^

PSN Showbiz

Sa Pinoy TV, mahirap talunin si Kuya Germs

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Napag-usapan lang namin noong isang gabi, dun sa launching nung bubuksang Dino Island Park d’yan sa Parañaque City, marami palang mga taong interesado talaga sa mga dinosaurs. At marami ang gustong mag-aral ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa mga hayop na pinaniniwala- ang namuhay sa mundo ng ilang milyong taon din bago nabuhay ang mga tao.

Nakita nga namin iyong isang study, binayaran ng Museum of Natural History ang isang dinosaur skeleton, na pinaniniwalaang siyang pinaka-kumpletong nakuha, nang mahigit na $8M noong 1992. Sila ang magtatago noon at magbubukas ng exhibit sa publiko, pero ang ilang malalaking kumpanya na nag-donate ng pera para mabili yon, kabilang na ang food chain ng McDonalds ay binigyan din ng plaster copy ng skeleton para sa kanilang sariling exhibit.

Dito sa ating bansa, bubuksan ang exhibit na tinatawag nga nilang Dino Island Park. Mayroon ding isang skeleton ng Tyranosaurus Rex, itinuturing na siyang pinakamalaking carnivorous dinosaur na bubuksan sa publiko, for the first time sa ating bansa. ‘Yan palang Dino Island na yan ay mas malamang ngang educational dahil sa mahigit na dalawampu’t pitong fossils, at mga dinosaur skeletons na sa kauna-unahang pagkakataon ay makikita dito sa atin.

Dati ang mga ‘yan ay makikita lamang sa Smithsonian Library and Museum sa Washington DC, kung saan nakalagay ang lahat halos ng mga fossils at skeletons ng mga dinosaurs.

‘Yong mga darating naman dito ay yong mga nakuha mula sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang China, kung saan sinasabi nilang may pinakamaraming dinosaur fossil deposit sa buong Asya.

Mula naman sa Korea ay darating ang mga robotics kung saan nabuo nila ang mga dinosaur figures na tila nabuhay, gumagalaw, humihinga at nagbubuga pa ng usok ang iba. Talaga palang isang malaking educational at entertainment venture itong dinala rito sa atin ng Fun Fair Ventures at ng Human Tech Company ng Korea.
* * *
Talagang in demand si Kuya Germs ngayon. Noong isang araw, nakumbida siya at ang mga stars ng kanyang Walang Tulugan para sa festival na ginanap sa San Miguel, Bulacan. Tapos noon, kailangan siyang magpunta sa Middle East para sa pagbubukas ng Pinoy TV doon kung saan siya rin ang hinahanap ng mga tao. Isipin ninyo, sa abroad, kahit na saan magbukas ang Pinoy TV, ang Walang Tulugan ni Kuya Germs ang siyang laging toprater.

Pagbalik niya mula sa Middle East, magkakaroon naman ng remote telecast ng kanyang show mula sa Clark Field sa Pampanga. Hindi ba talagang bongga ngayon si Kuya Germs?
* * *
Pinag-uusapan nila ang isang male bold star noong araw, na nakita ng mga tauhan ng isang tv network sa isang probinsiya. Wala raw pala ‘yong kabuhayan sa ngayon, at nasabi nga sa kanila na sana mairekomenda naman siya sa tv. Hindi doon natapos ang usapan, sumama ang male bold star sa isang bading at nag-date sila.

vuukle comment

CLARK FIELD

DINO ISLAND

DINO ISLAND PARK

FUN FAIR VENTURES

ISANG

KUYA GERMS

MIDDLE EAST

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with