"Okey lang, gwapo siya," sagot ng dalagitang chubby-chubby.
May chance ba if ever na manligaw sa kanya si Renz?
"Gwapo siya, teka, may girlfriend yun, ah," mabilis niyang sagot.
E, paano kung break na para lang ligawan ka?
"Naku, hindi po mangyayari yun," sambit uli ng dalagita.
Hindi man aminin ng alaga ni Nay Lolit Solis ay halatang crush din niya ang binatilyo, pero may malaking problema dahil hindi maaaring makipagrelasyon si Yasmien sa hindi niya kapareho ng relihiyon.
At balitang may nakalaan nang maging boyfriend si Yasmien in due time?
"Naku, wala po, hindi totoo yun," napayuko niyang sagot.
Good influence sa kanya ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo dahil inamin ng aktres na ang future husband niya ang nagtuturo sa kanya ng tamang pagsasalita ng Ingles at kung ano ang meaning ng mga salitang bago sa pandinig niya.
"Pag may hindi ako alam, tinatanong ko sa kanya kung anong meaning tapos sasagutin niya kaagad," kaswal na sabi ni Juday.
Bakit hindi na lang daw sa dictionary niya tingnan ang meaning, bakit kay Ryan pa?
"E, para mas sweet pakinggan," natawang sagot ng aktres.
Sobrang gandat payat ngayon ni Budaday, produkto raw ito ng pagiging in-love niya at love rin siya.
"Ngayon lang kasi nangyari sa akin na sa rami ng lalaking na-link sa akin, ngayon lang yung hindi ako ginamit, I mean walang halong ka-showbisan kasi si Ryan, hindi rin naman showbiz na tao maski na artista na rin siya. True love yung offer niya kaya siguro ganito ako ngayon, masaya," pahayag ni future Mrs. Ryan Agoncillo.
At kung hindi mababago ang plano, gusto ni Juday ay isang beach o garden wedding dahil romantic tingnan.
Dahil knows ng mga empleyado ng naturang airline company na dyowa ng may magandang mukhang aktres ang anak ng regular customer ay kinumusta ito at tinatanong kung kailan pakakasal.
Naloka ang kaibigan namin sa sagot ng mommy ng boyfriend ng may magandang mukhang aktres, "That shit, I dont like her for my son, shes so lazy everytime she visits my son, walang alam kundi matulog. Palibhasa taga-showbiz, feeling sikat, hindi pwede yan sa States."
Susme, walang kaalam-alam ang aktres na may magandang mukha na imbyerna pala sa kanya ang future mother in law niya. At nabanggit din na everytime palang dadalaw ang magandang aktres sa boyfriend niyang gwapo ay sa bahay ng lalaki na ito tumutuloy, live-in na raw in short. Reggee Bonoan