Si Annie (72) ay nasa pangangalaga ngayon ni Rachel Anne at pamilya nito na naka-base sa New Jersey, USA. Magda-dalawang linggo na itong nakaratay sa banig ng karamdaman matapos ma-diagnose ng mga doctor na meron itong malignant tumor sa kanyang lungs. Bukod sa tumor, meron din itong emphysema, pneumonia at bronchitis. Gusto sanang operahin ng mga doktor ang kanyang tumor pero magkakaroon ito ng kumplikasyon dahil sa kanyang emphysema at mahinang-mahina ang kanyang katawan.
Umiiyak na tinawagan ni Rachel Anne ang kanyang Kuya Richard para ibalita ang kalagayan ng kanilang ina at hinahanap umano siya nito. Nakatakdang umalis si Richard sa Hunyo 1 patungong New Jersey para dalawin ang kanyang maysakit na ina. Hindi naman makakasama ang kanilang bunsong kapatid na si Ronnel dahil wala itong US visa.
Umaasa ang magkakapatid na Richard, Rachel Anne at Ronnel na maka-recover ang kanilang ina at hinihiling nila sa kanilang mga kaibigan at mambabasa na tulungan silang magdasal sa maagang paggaling nito.
Baby pa halos si Meg-Meg nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang at mag-isa siyang iginapang ni Eva. Palibhasay mag-isang anak, napapag-aral ni Eva si Meg-Meg sa Brent International School mula elementary hanggang high school at ngayon naman ay sophomore college student ito sa La Salle University kung saan siya kumukuha ng AB-Literature. Kumuha rin si Meg-Meg ng modeling class sa John Robert Powers at namana naman niya sa kanyang ina ang husay sa pagkanta. Given the chance, gusto ring subukan ni Meg-Meg ang showbiz at pagmu-model.
Samantala, dalawang magkahiwalay na gown ang nakatakdang isuot ni Meg-Meg sa kanyang kaarawan na siyang birthday gift sa kanya ng kilalang fashion designer na si Gener Gozum, ninong niya at matalik na kaibigan ng kanyang ina.
Although dito sa Pilipinas ikinasal sina Tootsie at Jansen, sa Amerika na naka-base ang mag-asawa.
Ayon kay Tootsie, magkatulong umano sila ng husband niyang si Jansen sa pag-aalaga kay Ethan.
"Ang sarap pala talaga ng may anak. Nagpupuyat kaming mag-asawa to feed him at magpalit ng diapers," kuwento ni Tootsie sa kanyang e-mail sa amin.
Ngayong pinasok na rin ni Lara ang showbiz, nakahanda na rin kaya siya sa mga intrigang ipupukol sa kanya?
"Hindi ko pa alam. But I just hope na makayanan ko," simple niyang tugon.