Maggi-guest sa pelikula ni Ryan!

Ngayong Huwebes, ay kaarawan ni Judy Ann Santos at tulad ng nakagawian ay simple lang ang selebrasyon nito kasama ang pamilya at syempre ang bf na si Ryan Agoncillo.

Baka sa isang beach magtungo ang aktres kasama ang pamilya at mga pamangkin.

Sa kabilang banda, may cameo role ito sa indie film na Umaaraw, Umuulan dahil ang bida rito ay si Ryan.
Di Na Sorpresa Ang Special Guest
Balitang naimbyerna si Rufa Mae Quinto dahil pilit nga nitong inilihim ang magiging special guest sa kanyang birthday concert sa May 27 sa Aliw Theater. Pero may lumabas na balita na si Martin Nievera ang sinasabing special guest.

"Paano pa magiging surprise guest ko si Martin eh, alam na ng mga tao!" anang aktres.

Tanggap na nitong malabo na silang magkabalikan ni Rudy Hatfield dahil mas mahalaga pa rin sa sexy actress ang career.

"Di na masakit sa akin ang makipag-break sa lalaki. Isang lalaki lang ang nagdulot sa akin ng sobrang sakit, nang mamatay ang aking ama," dagdag pa nito.

Sa kanyang birthday concert na Bombshell Unleashed ay ipinamalas nito ang iba’t ibang talento nito na siya mismo ang nag-conceptualized katulong sina Joyce Bernal at Ryan Brusola.
Di Gagamitin Ang Apelyido Ng Ama
Ibi-build-up ng Sony-BMG si Lovi na anak ng dating actress na si Rowena Moran. Pero mas gusto ni Lovi na huwag na munang ikabit ang apelyidong Poe dahil may mga sumikat namang singers na pangalan lang ang ginamit gaya nina Karylle at Nina.

Abala ngayon ang magandang dalagita sa mga singing engagement pero binigyan pa rin nito ng prioridad ang pag-aaral kung saan graduating na ito ngayong taon sa Colegio de San Agustin.
Magtatayo Ng Beauty School
Nagbalak pala si Miss International Precious Lara Quigaman na magparetoke ng dibdib bago sumali sa Miss International Beauty Pageant pero di natuloy.

Sa September ay tapos na ang reign nito at may plano na siya, gusto niyang mag-ipon ng pera para makapagpatayo ng beauty school na magsisilbing training ground para sa mga gustong sumali sa mga beauty contest.

Idolo ni Lara si Sharon Cuneta at gusto niya itong ma-meet personally.
BLIND ITEM: Mag-Iiba Ng Lady Host
May nakapagbulong sa amin na magre-reformat ang show na sandali munang nagbabu sa ere dahil sa nangyaring away ng 2 hosts dun.

Close naman ang prodyuser sa female hosts at sa madir nito pero bakit sa pagre-reformat ng programa ay di na yata kukunin ang magandang TV host at ang maiiwan ay ang nakaaway nitong male host?

Ano kaya ang masasabi ng mag-ina sakaling malaman ang balita?

Show comments