Sa promo picture pa lang nila Nyoy at Nina, halatang inspired na inspired na sila. At syempre, ang concept ng kanilang show ay ang stages ng love story from love at first sight, courtship, kung paano ang ma-in love hanggang sa break-ups at reconciliation ng mga lovers.
Oh di ba ikaw na ang ma-in love tulad nila Nyoy at Nina na laging namumungay ang mga mata. Pag napuno nila Nyoy at Nina ang venue, ibig sabihin, may hatak pa sila dahil na-transform nila into numbers ang kanilang pagiging in love sa isat isa at tanggap sila ng kani-kanilang fans.
Ang El Nino, La Nina show ay gaganapin sa Airport Casino Filipino Pagcor Theater, Parañaque City sa May 20.
Pero bago ang team-up show ng dalawa, magso-solo muna si Nyoy sa kanyang concert series ngayong linggo na pinamagatang Tipa... Masters of Guitars: Nyoy Volante Jams sa Teatrino, Greenhills Promenade sa May 10, 11, 12 at 13.
In fairness, asset pa rin sila ng GMA Records kaya sila binigyan ng album na pinamagatang "BMC" at hindi sila pahuhuli kung talent din lang naman ang pag-uusapan.
Aware na naman silang tatlo na maraming talented singer ang nagsusulputan tulad ni Gerald Santos, ang bagong winner ng PP2. At imbes na matakot ay tinatanggap nilang challenge na ito, kaya nagsisikap pa rin silang i-improve ang kanilang mga talent.
Si Michael nga nag-aaral siya ngayon ng drums at guitar, pero gitara ang pinakahilig ng singer kung saan tatlo na ang collection nito. Panay din ang practice niya ng pagkanta. Bumili pa nga ito ng MP3 bukod sa i-Pod para lalo pang mahasa ang kanyang singing voice.
Gusto naman ni Charmaine na maging model or mapasama sa mga shows ng GMA-7. Bakit nga hindi, maganda na may talent pa, na hanggang ngayon ay star struck pa rin kay Regine Velasquez.
Si Brenan, sa edad na 20 ay gustong sundan ang yapak ni Gary Valenciano. Hindi lang para ma-share ang kanyang singing talent, kundi makapag-inspire din ng ibang tao sa pamamagitan ng kanayang testimony.
Kahit ano pa ang sabihin ng iba, may kanya-kanya pa rin silang edge na gustong patunayan at makilala sa kani-kanilang kakayahan.
"Ako po gusto kong maging simpleng balladeer na may pagka-pop. Tulad nila Janno Gibbs, Ogie Alcasid at Josh Groban. At ako lang daw po ang may makapal na falsetto," sabi ni Michael.
"Sabi nila, iba yung timbre ng boses ko maliit na buo. At habang tumatagal, maririnig mo yung transition from R&B to pop song," paliwanag ni Brenan.
"Yung vocal strength ko po. Mature kasi ang boses ko sa real age ko. Kaya nakakabirit ako ng mga matataas na notes at the same time, nagagawa ko ang love songs to pop to R&B, and the more na nabubuhay ko ang mga kanta," sambit ni Charmaine.
Ang "BMC" ay release ng GMA Records na may bonus tracks na "If Youre Not The One," "I Believe" at "Moments of Love" na pop version nina Brenan, Michael at Charmaine.