"Noon ko pa ito nararamdaman nang bago pa lang ako nagsisimula sa showbiz kung saan parang may gumuguhit na masakit sa ilang bahagi ng katawan ko at pagkatapos ay nagko-collapse na lang ako.
Samantala, bakit di niya mahiwalayan si Alex?
"Talaga kasing malaki ang concern niya sa akin. Sabi nga niya, pakakasalan pa rin niya ako kahit di na ako magkakaanak. Pag-naghiwalay kami, mami-miss ko ang sex life," biro pa nito.
Nanghihinayang lang ang magandang aktres dahil hindi siya nakadalo sa parangal, gustuhin man niya dahil may commercial shoot siya at may taping pa ng Majika.
Pinakamalakas ang palakpakan at sigawan ng mga fans nina Gerald Santos at Aicelle Santos. Maraming tumitili kay Harry Santos dahil artista ang dating ng guwapong binatilyo.
Simula pa lang ng labanan ay alam na naming mananalo at magiging grand champion si Gerald dahil ang galing ng pagkakaawit nito ng "Kahit Isang Saglit" (Martin Nievera). Pero naging mahigpitan ang labanan nila ni Aicelle.
Nagbigay din ang PPS ng mga Special Awards gaya ng Pinoy Roadshow Superstar na pinanalunan ni Aicelle, Pinoy Pop Viewers Favorite na si Gerald at Best Album Performer na pinanalunan uli ni Aicelle.
Pumasok sa Magic 4 sina Aicelle, Gerald, Harry at Denver Regencia.
Kaso na-turn off ang mga ito nang makita siyang kasama ang dalawang aktres habang nag-iingay sa pamamasyal at dis oras pa naman ng gabi.
Sey ng mga naroon na nakakita sa kanila, parang sila lang ang tao at hindi na inalintana ang pambubulahaw sa mga tahimik na natutulog.
May mga nag-aakala na sobra ang kalasingan ng tatlo kaya walang pakialam sa paligid.