"Wala pong kinalaman si Ryan (Agoncillo, her current boyfriend) dito. Ang dapat bigyan ng kredito ay ang Forever Flawless," aniya, ang kumpanya na binuo nina Jose L. Santos at Rubby Coyuito na limang taon nang nag-aalaga ng balat ng mga Pilipino. Mayron na itong walong branches na may pangakong magbubukas pa ng ilan sa taong ito. Sa ngayon, ang mga branches nito ay matatagpuan sa mga sumusunod na SM Malls: Megamall, North Edsa, Fairview, Dasmariñas, Marilao, San Lazaro, Pampanga at Sta. Rosa.
Lahat ng branch nito ay may nakatalagang isang medical doctor na nagbibigay ng konsultasyon, araw-araw at para mapanatag ang isip ng mga kukuha ng maraming serbisyo nito.
Ito ang kauna-unahang skin care na tumitingin sa kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng pagbibigay ng 20% discount; sa mga istudyante na may 5% discount sa mga produkto at 10% sa serbisyo.
Mayron din itong early bird promo. Lahat nang pupunta sa kanila mula 10NU-2NH ay makakakuha ng total na 20% diskwento.
Mayron din itong ibinibigay na prepaid cards para sa facial and skin care.- P1,750 (green card) na mabibili sa halagang P1,500, P2,325 (orange card) na mabibili sa halagang P2,000 at P1,175 (yellow card) na mabibili sa halagang P1,000 lamang.
Last year, si Lorna Tolentino ang image model ng Forever Flawless, ngayon, kinuha nila si Judy Ann Santos at kung ang pagbabasehan ay ang magandang pangangatawan nito, siguradong susugurin sila ng mga babaeng gugustuhing magkaron din ng ganito kagandang pangangatawan.
"Sayang nga dahil gusto ko pa sanang ipabago ang ilong ko at mga pisngi pero, pakiramdam ko, Im too old for it. Late bloomer kasi ako. Kung di pa ako kinuha ng Flawless, di pa ako magiging conscious sa aking balat at katawan. Ngayon lang ako natutong mag-aayos ng sarili. Ngayon, kailangan ko na itong pangatawanan dahil nasimulan ko na," pag-amin ni Juday na idinagdag din na very vocal si Ryan in complementing yung mga pagbabagong pisikal niya.
Ang Dino Island Park ay isang theme park na kung saan makakakita ng mga tunay na dinosaur fossils at skeletons kabilang na ang sa T-rex. Dito ang lahat ng dinosaur ay bibigyan ng life-like appearance sa pamamagitan ng latest technology, pagagalawin sila at masasaksihan pa ang panganganak nila. Makakakita rin ng pagputok ng bulkan sa gitna ng park at ng isang 40 feet waterfalls.
Ang Dino Island Park ay magagawa sa pamamagitan ng Fun Fair Ventures, One 4 U at Human Tech, isang Korean firm na nangunguna sa animation at entertainment park management.
Madali itong intindihin at madaling makaka-relate ang mga bata kina Dora the Explorer at si Spongebob Squarepants na kung anu-anong adventure ang pinapasok.
Pinamagatang Pantag-Araw na Pandayan sa Pag-arte sa Entablado at Harap ng Kamera, gaganapin ito sa Cong. R. Calalay Memorial Social Hall, 3rd flr. ng gusaling pamamamahalaan ng Brgy. Damayan, cr. Sn. Vicente at Zamora Sts. SFDM, QC simula sa Mayo 15 hanggang Hunyo 12.
Tinatawagan ang lahat ng mga batang may edad 5 pataas. Tumawag lamang sa (02) 3762267 (Direktor)/(02)4166118 (Margie Antiado).