Pero, hindi pa man, excited na ang TV host na matuloy ang concert na kundi kami nagkakamaliy, last year pa naka-schedule.
Ang natatandaan namin, kung natuloy last year ang concert dito ni Billy Joe, isa si Kuya Germs sa producer nito. Hindi namin naitanong kung siya pa rin ang producer pag natuloy ito this year.
Ibinalita rin ni Kuya Germs na si Raul uli ang magma-manage kay Billy habang nandito. Si Raul ang manager ng binata noong bata pa ito at nasa Thats Entertainment.
"Basta, anuman ang mangyari sa akin, kakayanin ko na lang mag-isa. One month lang tumagal ang balikan namin. Two weeks before Holy Week, kami uli pero, last week, wala na naman kami. Last chance na yun. Nagselos siya sa customer sa Metro. Hindi ko rin maintindihan ang lumalabas na English sa kanya," sabi ni Ethel.
Dahil wala na ang Jologs at si Miriam Quiambao na ang co-host ni Paolo Bediones sa Extra Challenge, sabiy wala na siyang career na ayaw tanggapin ni Ethel. Hindi rin siya aware na natsi-cheapan ang tao sa mga kontrobersya niya. Marami pa rin daw siyang ginagawa. Isa rito ang pelikulang Reyna na ididirek ni Wenn Deramas na kanyang pagbibidahan.
Sabagay, may dahilang matakot ang manager dahil natsi-tsismis na ang talent niyang actor at ang sexy star. May nasulat pa ngang ang actor ang isa sa mga rason ng break-up ng sexy star sa non-showbiz boyfriend na paulit-ulit namang idine-deny ng actor.