Billy Crawford, darating at magko-concert dito!
May 7, 2006 | 12:00am
Nakasalubong namin sa GMA Network sina German Moreno at Raul Laurente at sa kanila nalaman naming nakatakdang dumating ng bansa si Billy Crawford. Sabi ni Kuya Germs, magko-concert dito si Billy pero, di matukoy kung kailan dahil pag-uusapan pa raw.
Pero, hindi pa man, excited na ang TV host na matuloy ang concert na kundi kami nagkakamaliy, last year pa naka-schedule.
Ang natatandaan namin, kung natuloy last year ang concert dito ni Billy Joe, isa si Kuya Germs sa producer nito. Hindi namin naitanong kung siya pa rin ang producer pag natuloy ito this year.
Ibinalita rin ni Kuya Germs na si Raul uli ang magma-manage kay Billy habang nandito. Si Raul ang manager ng binata noong bata pa ito at nasa Thats Entertainment.
Naging inspirasyon si Gian Carlos ng mga batang gaya niyay may sakit na Hemophilia dahil nakitang kahit may karamdaman, hindi siya sumusuko. Kinuha rin siyang spokesperson ng HAPLOS, isang foundation ng may batang may ganitong sakit. Lalong lumakas ang loob ng 1st Prince ng StarStruck 3 dahil dito.
As of last Thursday, May 4, break na naman sina Ethel Booba at Alex Crisano. Tanggap na ni Ethel na di sila compatible na dalawa at nakatulong daw ang compatibility test na ginawa sa kanila sa S- Files. Nakapag-isip-isip na raw siya pero, di pa rin niya masabi kung di na siya makikipag-balikan dito.
"Basta, anuman ang mangyari sa akin, kakayanin ko na lang mag-isa. One month lang tumagal ang balikan namin. Two weeks before Holy Week, kami uli pero, last week, wala na naman kami. Last chance na yun. Nagselos siya sa customer sa Metro. Hindi ko rin maintindihan ang lumalabas na English sa kanya," sabi ni Ethel.
Dahil wala na ang Jologs at si Miriam Quiambao na ang co-host ni Paolo Bediones sa Extra Challenge, sabiy wala na siyang career na ayaw tanggapin ni Ethel. Hindi rin siya aware na natsi-cheapan ang tao sa mga kontrobersya niya. Marami pa rin daw siyang ginagawa. Isa rito ang pelikulang Reyna na ididirek ni Wenn Deramas na kanyang pagbibidahan.
Hanggat kaya, haharangin ng manager na ito na magsama sa alinmang project ang talent niyang actor at isang sexy star. Ayaw ng manager na magka-trabaho ang dalawa dahil takot siyang magkaroon sila ng sexual encounter. Naniniwala ang manager na hindi makakatulong sa alagang actor ang ma-involve sa sexy star kesehodang sikat ito.
Sabagay, may dahilang matakot ang manager dahil natsi-tsismis na ang talent niyang actor at ang sexy star. May nasulat pa ngang ang actor ang isa sa mga rason ng break-up ng sexy star sa non-showbiz boyfriend na paulit-ulit namang idine-deny ng actor.
Pero, hindi pa man, excited na ang TV host na matuloy ang concert na kundi kami nagkakamaliy, last year pa naka-schedule.
Ang natatandaan namin, kung natuloy last year ang concert dito ni Billy Joe, isa si Kuya Germs sa producer nito. Hindi namin naitanong kung siya pa rin ang producer pag natuloy ito this year.
Ibinalita rin ni Kuya Germs na si Raul uli ang magma-manage kay Billy habang nandito. Si Raul ang manager ng binata noong bata pa ito at nasa Thats Entertainment.
"Basta, anuman ang mangyari sa akin, kakayanin ko na lang mag-isa. One month lang tumagal ang balikan namin. Two weeks before Holy Week, kami uli pero, last week, wala na naman kami. Last chance na yun. Nagselos siya sa customer sa Metro. Hindi ko rin maintindihan ang lumalabas na English sa kanya," sabi ni Ethel.
Dahil wala na ang Jologs at si Miriam Quiambao na ang co-host ni Paolo Bediones sa Extra Challenge, sabiy wala na siyang career na ayaw tanggapin ni Ethel. Hindi rin siya aware na natsi-cheapan ang tao sa mga kontrobersya niya. Marami pa rin daw siyang ginagawa. Isa rito ang pelikulang Reyna na ididirek ni Wenn Deramas na kanyang pagbibidahan.
Sabagay, may dahilang matakot ang manager dahil natsi-tsismis na ang talent niyang actor at ang sexy star. May nasulat pa ngang ang actor ang isa sa mga rason ng break-up ng sexy star sa non-showbiz boyfriend na paulit-ulit namang idine-deny ng actor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended