Simple lang naman ang dahilan kung bakit nagto-top ang show ni Kuya Germs sa mga Pinoy sa abroad. Kasi nakikita nila sa kanyang show yong tradisyonal na tv show ng mga Pinoy. Yong ibang tv shows, hindi na kasi Pinoy ang ideya. Wala kasi silang ginagawa kundi gayahin ang shows ng mga Kano na napapanood nila.
Ang katuwiran nila, maganda ang mga yon, at hindi naman napapanood ng mga Pinoy dito sa atin, dahil iilan lang naman ang may cable TV dito. Kaya nanggagaya na lang sila ng foreign shows, pero oras na ilabas naman sila sa cable sa abroad, nabubuko na ang kanilang mga shows ay isang masamang kopya lamang ng ginagawa ng mga Kano.
Natural kaysa sa manood sila ng mga kinopya ng show lamang, kay Kuya Germs na lang sila manonood.
Hindi mo masasabing napakaganda ng show ni Kuya Germs. Halata mo namang maliit lamang ang budget ng programang yon, pero makikita mo na lahat halos ng mga artista ay nasa show na iyon. Mapapansin mo rin na pinagsisikapan nilang pagandahin ang show sa kabila ng mga limitasyon nila. Iyong sinseridad nila na makapag-present ng isang magandang show ay nakikita naman ng mga manonood.
Kaya naman dahil doon ay inspired talaga si Kuya Germs. Lalo naman siyang nagsisikap na pagandahin ang kanyang show. Kung minsan hindi maiwasang mag-abono pa siya pero kung kailangan talaga para mas mapaganda pa ang kanyang show, bakit nga ba hindi? Siya ang master showman, kaya dapat talagang mahusay ang kanyang show.
Sa labang yan, maipapakita ng mga Pilipino ang kanilang kakayahan sa pagbuo ng isang world class event. Maipapakita rin nila ang kakayahan nila na makapag-cover sa pamamagitan ng telebisyon ng ganyan kalaking laban. Isipin ninyo, dati ang mga Pinoy ay nakiki-hook up lamang sa coverage ng mga Kano sa mga pandaigdig na laban ng boxing. Ngayon ang mga Pilipino mismo ang gagawa ng coverage at makiki-hook up lamang sa atin ang mga Kano.
Maraming mga bagay na nadagdag sa ating kultura na may kaugnayan sa pagsisimba sa bayan ng Antipolo. Iyan ay isa sa ating magagandang kaugalian na pinaniniwalaan naming tama lamang na ipagpatuloy natin sa ating panahon.