Pinamagatang Mano A Mano, ang laban ay maiden collaboration (MP) nila ng ABS CBN at nakataya ang titulo ng Superfeatherweight Championship of the World. Mapapanood din ito bukod dito sa atin sa maraming bansa sa mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel, iNDemand, DirectTV at ang ka-partner ng ABS CBN na Mexican broadcast.
Sayang at di pa tapos ang filmbio ni Manny dahil maganda sanang added attraction ang laban sa kanyang pelikula.
Bagaman at sinabi ni Manny na ang lahat ng admission seats ay libre, malaki naman ang paniniwala ng marami na babawi naman sila sa mga tiket na may bayad na baka raw maging equivalent ng dolyares ang halaga.
Ang programa na mula sa GMA News and Public Affairs ay isa sa mga flagship programs ng GMA na nakatulong ng malaki para maging no. 1 network ito.
Si Paolo Bediones pa rin ang magsisilbing host nito hanggang sa pagwawakas ng show. Makakasama niya ang orihinal niyang ka-partner na si Miriam Quiambao na inimporta pa ng GMA mula sa Hongkong na kung saan ito ay naninirahan kasama ang kanyang asawang Italyano.
Nauwi sa paghihiwalay ang marriage (annulled in February this year) niya na nagbunga ng isang anak na lalaki na ngayot limang taong gulang na, si Patrick.
Napanood siya sa Panday Book 1 at naka-apir na sa mga programa ng Kapamilya Network. Kasama rin siya sa grupo ng Show Girls na may palabas sa Music Museum sa May 5 at 6 na pinamagatang Versus at nasa direksyon ni Calvin Neria.
Marahil dahil sa pinagdaanan niya kung kaya palaban siya, "Dedma lang ako kay Jenny Miller kahit madalas niya akong sapawan kapag may show kami. Di ako ang nagkalat na pinatid ako ni Jay Manalo sa syuting ng isang pelikulang shelved dahil inisnab ko siya. Lalong di rin sa akin galing na niligawan ako ni Victor Neri sa taping ng Panday. Pero, di ako nagagalit sa nagtsi-tsismis sa akin. Alam ni Lord na malinis ang konsensya ko. Taas noo akong magsisikap na magtrabaho para sa aking anak. Wala akong panahon na pumatol sa mga intriga," sabi niya.
Mahigit na 20 na tunay na mga dinosaur fossils na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P2M, ang makikita dito. Ang mga ito aya nabuo sa loob ng milyongh taon. Matapos mamatay ang mga dinosaur, ang kanilang mga buto ay natabunan ng buhangin at putik na siyang pinagmulan ng rock formations. Ito ang nakukuha ng mga palentologists sa ibat ibanag panaig ng mundo.
Ang mga animated dinosaur na ito ay dinala sa bansa ng Fun Fair Ventures. Dati ito aay ipinasusuri lamang sa mga dalubhasa pero, bnagayon ito ay hahayaang makita ng publiko.
Nakilala si Valdez sa mga awiting "Kastilyong Buhangin", "Ngayon at Kailanman" at marami pang iba. Nagsimula siya bilang myembro ng Circus Band.
Si Isidro naman ay dating back up singer sa The Sharon Cuneta Show ng ABS CBN at nakapag-release na ng ilang album at nanalong Best Female Performer sa Guillermo Awards nung 1993.
Pwedeng tumawag sa (045)6257604 /(045) 8925073 to 74 loc. 218/219.