Nagho-host na rin siya noon ng Whacked show sa Nickelodeon Channel bilang bahagi ng Playshop Kids.
Pero, merong hindi bumilib sa kanyang pagkapanalo at nagsasabing luto lang daw ito.
"Hindi po! Hindi ko nga po expected na mananalo ako. Kasi hindi ako bumabanat, hindi tulad nila Charice at Gian. Hindi ko inisip that time if I would win or lose. I just gave my best and enjoyed the competition na parang I owned the stage. But Im thankful for Little Big Star because they were open for my kind of singing style," paliwanag ni Sam.
Parehong full time theater actors ang mga magulang ni Sam mula ng mga binata at dalaga pa ang mga ito. Lumalabas sila noon sa Metropolitan Theater at ngayon ay part pa rin ng Trumpets. Pangatlo sa apat na magkakapatid si Sam na mga member din ng Trumpets.
Kasama na si Sam as co-host sa second season ng Little Big Star. Host na rin siya ng Speak sa Studio 23 at model ng Bench para sa teens apparel. At ipapalabas na rin ang Super Inggo ngayong May na fantaserye ng ABS CBN kung saan magkasama sila ni Makisig Morales na bagong super hero ng mga bata ngayon.
Hindi pa nakukuha ni Sam ang worth P1M at gifts from the sponsors na napanalunan nito, pero ngayon palang ay naisip na niyang ibigay ang 10% tithes offering nito sa church nila.
Bukod sa pagkanta ay hilig din nito ang fashion kaya balang araw, gusto niyang magkaroon ng sariling boutique. Siya mismo ang nagdi-design ng mga damit at shoes na isinusuot niya. Pero pinaka-hilig niya ang mga clothes.
Fourth year high school si Lovi sa Colegio San Agustin at balak niyang kumuha ng business management balang araw.
Idol niya si Regine Velasquez as a singer na pangarap din niyang makasama ito sa show.
Ang "Lovi : The Best of My Heart" ay naglalaman ng 11 cuts tulad ng "I Love You," "I Never Knew Love," "Ikaw Na Nga Kaya" ni Ogie Alcasid at marami pang iba na release ng Sony BMG Records.