Sabi ni Ara sa presscon ng Family Zoo: "Hindi na ako nakikialam sa lovelife ni Cristine. Hindi ko alam kung talagang nanliligaw sa kanya si Gov. Mark Lapid. Hindi ko siya gaanong kilala at di ko naman nakikita. Kaya lang naman ako nakialam sa kanila ni Keempee (de Leon) dahil may past kami at takot ako for Cristine."
Ayon naman kay Cristine: "Okey lang sa akin si Polo (Ravales) para kay ate. In fact, kahit sino ang maging boyfriend niyay di ako makikialam. Pero, mas kilala ni mommy si Mark kesa kay Polo. Mabait, responsible at magalang daw si Mark."
Happy si Ara sa takbo ng career ng kapatid at mabuti pa raw itot may pelikula. Si Cristine ang leading lady ni Mark sa Apoy sa Dibdib ng Samar na showing sa May 10.
Nagpaalam daw si Boyet sa GMA-7 na lilipat muna siya sa Ch. 2 habang wala pang project para sa kanya at siyay agad pinayagan. Siguradong excited sina John Lloyd at Bea na makasama ang magaling na actor, lalo na ang young actress dahil si Boyet ang gaganap na kanyang ama sa soap.
Samantala, successful ang concert ni Boyet sa Zirkoh Timog at naniniwala si Sandy Andolong na masusundan ang concert ng asawa. Bukod sa buddies sina Boyet at Malou Choa-Fagar na producer ng show, gusto raw talaga ng actor na kumanta at pag may nagustuhan itoy ginagawa.
Masaya nitong ikinuwento na bukod sa monthly rent ng apartment, nakabili na siya ng mga gamit sa bahay gaya ng 21 inches TV, portable DVD at iba pa.
Nag-iipon siya para makabili ng second hand car para maisama ang ina sa taping ng kanyang mga show sa GMA-7. Nakikisakay lang siya papuntang Tagaytay sa taping ng Duyan at nagta-taxi sa pagre-report sa taping ng Love to Love, SOP Gigsters, Fans Kita at Family Zoo. Madadagdagan pa ang ipon ng binata dahil siya ang pumalit kay Mike Tan na image model/endorser ng Le Froge t-shirts.
Ayaw niyang mahirapan ang ina at lalong ayaw ni Chuck na magmukha itong alalay at P.A. na susunud-sunod sa kanya sa taping. "Ayaw kong magaya siya sa ina ng ibang artista na parang alalay at taga-dala ng gamit ng kanilang anak," sabi nito.
Marami na nga kaming nakitang artista na ginagawang PA ang magulang. May isang ina nga na pati script ng anak ay pinakikialaman. Pinagbabawalan ding matulog sa taping ang anak pag breaktime, ayun, nasigawan tuloy siya.
Ang hindi alam ng staff, sa isang bahay na kanilang pinuntahan, alam ng owner ang kalakaran sa telebisyon. Alam din ng may-ari na yung rating result na ipinakita ay rating ng ibang show. Hindi na nito binuking ang staff para di mapahiya pero, di pumayag ang house owner na gamitin ang bahay niya sa taping.