Naunang nakita sa Siete si Patrick nang pumirma ng kontrata para sa Captain Barbell. Wala raw pumapansin sa young actor at parang walang nakitang ibang mukha ang mga tao roon.
Kabaligtaran daw nang pumunta si Claudine last April 26 kasama ng asawang si Raymart Santiago. Sinundan daw ng tingin ang actress kahit saan magpunta at pinag-usapan ang presence niya sa network.
Ayaw maniwala ng nagkwento nito na baka nanibago lang ang tao kay Patrick pero, masasanay din sila pag nagsimula na ang taping ng Pinoy super hero dahil madalas na siyang makikita.
Aminin nating bigger star si Claudine kay Patrick at natural lang na mas interesting pagtsismisan ang pagdating niya sa Siete.
Anyway, nalaman naming kaya nasa istasyon ang actress ay para ipagpaalam na hindi sila matutuloy ni Raymart na mag-guest sa Extra Challenge. Hindi raw ito pinayagan ng ABS-CBN na mag-guest dahil may bagong soap na kino-conceptualize para sa kanya.
Ang idinahilan ni Marky kung bakit ngarag siyay dahil kagagaling lang niya sa guesting sa Sis at wala pa siyang maayos na tulog. Bisi-bisihan daw sila ni Jackie Rice na kasama niya sa lahat ng shows niya sa GMA-7. Sila rin ang bagong endorser ng Crimson t-shirts at inaming malaking tulong ang talent fee na tatanggapin dito.
Sina Marky, BJ "Tolits" Forbes at Isabella de Leon ang mga bida sa bagong show na ipapalit sa Wag Kukurap. Inamin nitong naiilang siya at kinakabahan but, at the same time, flattered sa malaking tiwala sa kanya ng management.
Sayang at hindi pinagsama-sama ng QTV 11 sa isang show sina Vivo, Jana at Chuck Allie at maganda sanang paglaruan ang kanilang triangle. Si Vivo ay sa Project 11 kasama with Vaness del Moral at sina Jana at Chuck ay sa Family Zoo nga.
Five days nag-MU sina Vivo at Jana at kaya lang naghiwalay dahil sabi ni Vivo, pangit tingnan na marami siyang kasabay na ka-MU ng dalagita. Inamin din nitong nag-away sila ni Jeric Rizalado dahil din kay Jana at nag-away naman sina Jeric at Bugz Daigo dahil pa rin kay Jana (flawless at mahaba ang hair ng hitad!).
"Nagkaayos lang kami nang sabihin ko sa kanilang di kami dapat nag-aaway at babae lang yun. Sinunod nila ako at kinalimutan na namin si Jana," sabi nito.
Bukod sa billing, marami pa raw demand ang manager ng actress na ikinayamot ng mga taong involved sa pelikula. Sa halip na pagbigyan ang maraming hiling, pinalitan na lang ang actress. Ngayon, malapit nang matapos ang pelikula at mukhang kikita itot kakaiba ang tema. Kapag nangyari yun, magsisisi ang manager sa pagiging demanding.
Sana lang, alam ng actress ang real reason kung bakit siya napalitan sa pelikula. Baka, iba ang sinabi sa kanya ng manager.