Bukod sa kanyang ina at kapatid, nagpa-interview din ang kanilang mga dating kapitbahay na nagsabing na tunay niyang ina at kapatid ang mga nagpa-interview sa tv. Sinasabi pa ng isa na ang tunay daw pangalan ni Jake ay Jonjon Mumbay.
Kahit na noong nagsisimula pa lang si Jake, hindi niya binabanggit ang kanyang pamilya, at sinasabi niyang lumaki kasi siya sa kanyang lola. Sinasabi naman ngayon ng kanyang kapatid na wala na silang lola, na matagal nang namatay ito, at lumaki si Jake na kasama nila.
Hindi namin alam kung saan matatapos ang usapang ito. Hindi naman sa kinakampihan namin si Jake, pero ang ganyang klase ng usapan ay masyado nang personal at di dapat nakalantad pa sa publiko.
Walang obligasyon si Jake na ipaliwanag iyon kanino man, lalo na sa publiko.
Wala namang kinalaman yan sa kanyang pagiging artista kaya, bakit naman natin pakikialaman pa?
Mahirap mo namang iwasan ang mga intriga, dahil kung natatandaan pa ninyo, noong bago tumigil si Gretchen noon, may ginawa na silang pelikula ni Senador Bong at iyon ay pinagmulan na rin ng mga intriga.
Yang ganyang pamamaraan ay matagumpay na naisasagawa ngayon kahit na sa mauunlad na bansa kagaya ng Germany. Sa paghahangad ni Fr. Dale Anthony Barretto Ko na mas makatulong sa mga may sakit, tinipon din niya ang mga eksperto sa herbal medicine para magturo sa mga tao ng natural na lunas sa sakit. Palagay namin ok yan, subukan ninyo.