Isang twenty-three year old Hollywood actor na nagngangalang
Mark Fraiden ang bagong tagahanga ngayon ni
Jennylyn Mercado na kanyang nakakilala sa New York, USA kung saan nag-taping ang
I Luv New NY TV series. May guest appearance ito sa nasabing teleserye.
Mula kay
Mark Herras, may panibagong Mark (Fraiden) na naman si Jennylyn. Hindi ikinakaila ng guwapong Amerikanong aktor na hanga siya sa beauty ni Jennylyn na balak pa niyang dalawin sa Pilipinas. Kilig syempre si Jennylyn nang malaman niyang may gusto pala sa kanya ang Hollywood actor.
Nakatakdang bumalik ng bansa ang cast at production group ng
I Luv N
ew York na halos isang buwan ding nag-shoot sa Big Apple City.
Samantala, napag-alaman namin na nagpaiwan umano si
Marvin sa New York dahil may bibilhin umano itong apartment o condo sa nasabing lugar. Na-in lab marahil si Marvin sa nasabing lugar kaya gusto niyang mag-invest dito ng property.
Gaano katotoo ang balita na text-mates umano ngayon sina
Rufa Mae Quinto at
Mark Bautista na nagsimula lamang nang mag-guest ang sexy singer-comedienne sa concert ni Mark kamakailan lang?
Sabagay, wala naman sigurong masama dahil pareho silang un-attached. Hindi naging mapalad si Mark sa kanyang panunuyo kay
Rachel Ann Go dahil mas pinili nito si
Christian Bautista habang si Rufa Mae naman ay iniwan ni
Duncan Ramos ng
South Border. Totoo nga kayang buntis ngayon ang long-time non-showbiz girlfriend ni
Martin Nievera na si
Katrina Ojeda? Kung itoy totoo, wala naman sigurong masama dahil matagal nang hiwalay si Martin sa asawa nitong si
Pops Fernandez at matagal na ring annulled ang kanilang kasal. May kani-kanyang buhay na ngayon ang dating mag-asawa. Kung may Katrina si Martin, ang dating mister ni
Aiko Melendez na si
Jomari Yllana naman ngayon ang ka-relasyon ni Pops.
Naging matagumpay umano ang premiere showing ng
CareHome digital movie ni
Nora Aunor na ginanap sa Palace of Fine Arts Theater sa San Francisco, Calif., USA nung nakaraang Linggo, Abril 23. Itoy pinamahalaan ni
Suzette Ranillo. Dumalo sa nasabing okasyon ang buong cast ng pelikula na pinangunahan mismo ni Guy (Nora) at Suzette, ganundin ang mga Noranians all over America.
Speaking of Guy, huminto na rin pala sa pag-aaral ang dalawa niyang adopted sons na sina
Kiko at
Kenneth na magkahiwalay na nakatira ngayon kina
Lotlot at
Matet de Leon. Mahigit isang taon na ring hindi nakikita ni Guy ang kanyang mga anak magmula nang itoy magtungo ng Amerika for a series of back-to-back shows with
Kuh Ledesma. Parang kailan lang nang isilang ng "Tukso" lady na si
Eva Eugenio ang kanyang kaisa-isang anak na si
Meg-Meg (Evangeline Nora Mae) sa St. Lukes Medical Center. Magi-eighteen years old na si Meg-Meg sa May 21 at ka-birthday niya ang kanyang ninang na si Nora Aunor pero ang debut party ay gaganapin a day earlier, May 20 sa Sampaguita Hall ng Manila Hotel.
Inaanak namin si Meg-Meg at kami na rin mismo ang nagbigay ng kanyang pangalan na Evangeline Nora Mae. Ang pangalang Evangeline ay hango sa pangalan ni Eva habang ang Nora ay obviously galing sa pangalan ni Nora at ang Mae naman ay hango sa buwan ng kanyang kapanganakan, buwan ng Mayo.
Dahil kaarawan ni Meg-Meg, imbitado kaya ang estranged husband ni Eva na si
Boy Sebastian? Personal: Hangad namin ang mabilis na paggaling ng aming kumpareng
Daboy (Rudy Fernandez) na kamakailan lamang sumailalim ng operasyon.
a_amoyo@pimsi.net