Si Ate Vi mismo ang humiling sa maybahay na nawalan ng anak na ikwento sa kanya ang buong pangyayari at bilang ina ay nadama rin ng mahusay aktres ang dinaranas ng ina ni April Hernandez.
Pinasulat ni Mayor Vi ang buong istorya kay Ms. Daisy at ibinigay niya ito kina Ms. Charo Santos na kung pwedeng gawing pelikula o istorya sa telebisyon.
"Ang sabi ko, gusto ko tong istoryang ito, bahala na kayo kung gagawin nyong pang-pelikula o pang- telebisyon lang," sambit ng aktres.
At simula pala nung umere ang MMK ay never pang nai-guest si Ate Vi kaya naman nung nabasa nila ang istorya ni Ms. Hernandez ay napagdesisyunan ng creative group ng nabanggit na programa na ito ang episode nila for their 15th year anniversary at si Mayor Vi mismo ang gaganap na mapapanood sa May 4 at 11.
Kinakailangang mag-exercise ng mabuti si Dingdong dahil kailangang maging maganda ang katawan niya kapag inumpisahan na niyang i-shoot ang telefantasyang Atlantis.
Hindi pa naikwento sa amin ng source namin sa GMA 7 kung ano ang concept ng nabanggit na project ng actor, pero kung ibabase namin ito sa sumikat na tv series noon ni Patrick Duffy na Man From Atlantis ay sa ilalim ng tubig siya nakatira at malamang na baka ganito rin ang role ni Dingdong.
Sa madaling salita, lalaking Dyesebel si Dingdong na kailangang mamuhay sa ilalim ng tubig at mai-in love naman sa taga-lupa.
Isa pang tsika sa amin ay, "Nag-hybernate muna lolo mo (Dingdong) para ma-miss naman daw siya ng tao after ng big success ng Moments of Love.
At higit sa lahat, may kinanta ang love of his life ni Ryan na si Judy Ann Santos na ayon mismo sa aktres ay binuhay ni Ryan ang singing career niya na matagal nang natutulog.
Anyway, excited si Ryan dahil maganda ang concept ng album at para sa mga may problema sa pag-ibig ay malaking tulong daw ang kanyang "Love Speak" album. REGGEE BONOAN