Mapapansin na sa tatlong programa ay "one of them" lamang si Benjie, support ng mga bida bagaman at sa Lagot Ka... ay isa siya sa apat na topbilled together with Goma, Tsong and Raymart.
Sa bagong programa ng QTV Ch. 11, sila ni Ara Mina ang pinagkatiwalaan ng major roles ng isang couple na namumuhay sa loob ng isang zoo kasama ang dalawa nilang anak na may kakayahang makipag-usap sa mga hayop.
Mala-John en Marsha ito dahil ang asawa niya (Ara Mina) ay anak ng isang matapobreng donya (Nanette Inventor) na palaging nilalait si Benjie.
Sa bagong programa, makikita kung makakaya nang magdala ng isang sitcom ng basketbolista. Sa mga nakaraan niyang roles, nakapagpamalas na siya ng versatility. Sino ang makapagsasabi, baka kung saan-saan tayo naghahanap ng susunod sa yapak ni Dolphy, yun pala naririyan lang si Benjie sa tabi-tabi.
Pinamagatang Family Zoo, magsisimulang mapanood ito sa Mayo 2 (Lunes), 8:30NG kasama sina Chuck Allie, Jana Roxas, Isko Salvador, Renee Summer, Jojo Alejar at Diego.
Isang maliit na produksyon lamang ito na ang gumanap ay pawang mga amateur na kabataan lamang at sinulat din at ginawan ng mga kanta ng isa ring amateur pero very promising writer/composer na nagngangalang Rey Seveses.
First time ito ni Rey na sumulat ng isang musical pero, maraming pagtatangka siyang ginagawa para makasulat ng kwento sa TV, tanghalan at pelikula.
Marami na rin siyang nalilikhang mga awitin at naghihintay na lamang siya ng tamang singer na makakapag-pasikat sa mga ito.
Ang Kariton Boys na ginawa para maipakita ang kakayahan ng mga bata ng Solid Ground School na matatagpuan sa Rocka Vill. 2, Plaridel, Bulacan, ay tungkol sa isang unica hija ng isang pilantropong abogada na sa kagustuhang maunawaan ang buhay ng mga mahihirap na bata, ay nagkunwaring isang batang lalaking magkakariton. Mararanasan niya ang hirap at saya ng ganitong buhay.
Tampok sa palabas sina Mikaela Gabriel Vistan, Ma. Dayanara Lopez, Ciprian Billiones, Robert San Luis, John Neilsen Ortencio, John Patrick Villanueva, Reinald Aparri, Dominic Mallari at marami pang iba. Direksyon ni Gigi Herrera. Tatlong mag-aaral sa UP College of Music ang nagtulong para sa musical arrangement (JR Obera), voice coach (Vanessa Santos) at choreography (Joel Reyes).