Istoryang tampok ang kasaysayan ng isang Lipeño, si Daisy Hernandez na nagpamalas ng tapang sa pagkakaron ng isang anak na may kapansanan. Siya ang sumulat ng kanyang istorya at ibinigay niya ito kay Vi na siya namang nagbigay nito sa ABS CBN. Si Olive Lamasan ang nagdirek ng episode na akala ko ay nagi-exaggerate lamang si Charo Santos-Concio, host ng MMK, nang sabihin niya sa amin na napaiyak ang mga advertisers nang mapanood ito. Mabuti na lamang at trailer lamang na pinanood ko dahil naghahabol ako ng deadline pero kahit maikli lamang ang napanood ko ay di ko mapigilan ang mapaiyak sa mga eksena nina Vi at Maja Salvador, ang gumanap ng role ng kanyang anak na may kapansanan at binawian ng buhay. Iyak ako nang iyak dun sa parteng naghihinagpis si Vi sa pagkawala ng anak niya at nag-dialogue ito ng "Kung ang tawag sa mga namamatayan ng asawa ay byudo o biyuda at ang mga anak na nawawalan ng mga magulang ay ulila, ano ang tawag sa mga magulang na namamatayan ng anak?"
Ang ganda at sa kakaunting eksena na napanood ko ay nagalingan ako kay Vi pero, mas higit kay Maja dahil baguhan ito pero nagawang makipagsabayan sa beteranang aktres.
"Ang galing ni Maja, malaki ang future niya sa pagiging artista," ang sagot ni Vi sa isang tanong na ano ba ang masasabi niya sa ginawang pag-arte ng batang artista?
Bago ang Regalo episodes ni Vi, mapapanood sa Huwebes ang istorya ni PSC Athlete of the Year na si Sheila Mae Perez na gagampanan ni Camille Prats.
Ito ang dahilan kung bakit tatangkain ni Armea (Jackie Rice) na ipaghiganti ang inang reyna. At tutulungan siya ng mga natitirang Sangre. Maging si Pirena (Sunshine Dizon) ay di papayag na magtagumpay ang kanyang amang si Hagorn (Pen Medina) sa masamang gawain nito.
Sino na ang mamumuno sa Sapiro? Magwakas kaya ang buhay ni Hagorn sa kamay ng kanyang anak? At sina Aquil (Alfred Vargas) at Danaya (Diana Zubiri), maging malungkot kaya ang kanilang pag-iibigan? At sina Amihan at Arman, ano ang kanilang kahihinatnan?
Abangan mula ngayong gabi hanggang Biyernes sa GMA 7.