^

PSN Showbiz

‘Ang galing ni Maja, malaki ang future niya sa pagiging artista’ — Vilma Santos

- Veronica R. Samio -
Baka di kayo maniwala pero, one year in the making ang Regalo, ang ika-15th anniversary episodes (May 4 at 11) ng Maalaala Mo Kaya. Tampok dito ang Star For All Seasons na si Vilma Santos na nagsimulang mag-tape para sa programang intended for Mother’s Day celebration, nung 2005 pero dahil sa kaabalahan nito bilang mayor ng Lipa at dahil na rin sa dalawang beses itong umalis ng bansa kung kaya sa taong ito lamang mapapanood ang dalawang bahagi ng award winning drama anthology na kung saan ay itinampok na ang lahat ng pinaka-malalaking artista ng bansa (Nora Aunor, Susan Roces, Christopher de Leon, Eddie Garcia, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Robin Padilla, Cesar Montano, Zsazsa Padilla, Regine Velasquez, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales) at kung saan ay nagsimula ang mga sikat na direktor na ngayong sina Rory Quintos, Lauren Dyogi, Jerry Sineneng, Wenn Deramas, Lino Cayetano, Ricky Davao, Michael de Mesa at marami pang iba.

Istoryang tampok ang kasaysayan ng isang Lipeño, si Daisy Hernandez na nagpamalas ng tapang sa pagkakaro’n ng isang anak na may kapansanan. Siya ang sumulat ng kanyang istorya at ibinigay niya ito kay Vi na siya namang nagbigay nito sa ABS CBN. Si Olive Lamasan ang nagdirek ng episode na akala ko ay nagi-exaggerate lamang si Charo Santos-Concio, host ng MMK, nang sabihin niya sa amin na napaiyak ang mga advertisers nang mapanood ito. Mabuti na lamang at trailer lamang na pinanood ko dahil naghahabol ako ng deadline pero kahit maikli lamang ang napanood ko ay di ko mapigilan ang mapaiyak sa mga eksena nina Vi at Maja Salvador, ang gumanap ng role ng kanyang anak na may kapansanan at binawian ng buhay. Iyak ako nang iyak dun sa parteng naghihinagpis si Vi sa pagkawala ng anak niya at nag-dialogue ito ng "Kung ang tawag sa mga namamatayan ng asawa ay byudo o biyuda at ang mga anak na nawawalan ng mga magulang ay ulila, ano ang tawag sa mga magulang na namamatayan ng anak?"

Ang ganda at sa kakaunting eksena na napanood ko ay nagalingan ako kay Vi pero, mas higit kay Maja dahil baguhan ito pero nagawang makipagsabayan sa beteranang aktres.

"Ang galing ni Maja, malaki ang future niya sa pagiging artista," ang sagot ni Vi sa isang tanong na ano ba ang masasabi niya sa ginawang pag-arte ng batang artista?

Bago ang Regalo episodes ni Vi, mapapanood sa Huwebes ang istorya ni PSC Athlete of the Year na si Sheila Mae Perez na gagampanan ni Camille Prats.
* * *
Parang di ko tanggap na mamamatay si Alena (Karylle) sa mga huling yugto ng Encantadia. I’m sure, malulungkot din dito ang mga televiewers. Porke ba namatay na si Dingdong Dantes, kailangan din siyang mamatay? Ito ang kadilimang babalot sa Sapiro ngayong gabi.

Ito ang dahilan kung bakit tatangkain ni Armea (Jackie Rice) na ipaghiganti ang inang reyna. At tutulungan siya ng mga natitirang San’gre. Maging si Pirena (Sunshine Dizon) ay di papayag na magtagumpay ang kanyang amang si Hagorn (Pen Medina) sa masamang gawain nito.

Sino na ang mamumuno sa Sapiro? Magwakas kaya ang buhay ni Hagorn sa kamay ng kanyang anak? At sina Aquil (
Alfred Vargas) at Danaya (Diana Zubiri), maging malungkot kaya ang kanilang pag-iibigan? At sina Amihan at Arman, ano ang kanilang kahihinatnan?

Abangan mula ngayong gabi hanggang Biyernes sa
GMA 7.

AGA MUHLACH

ALFRED VARGAS

ATHLETE OF THE YEAR

CAMILLE PRATS

CESAR MONTANO

CHARO SANTOS-CONCIO

CLAUDINE BARRETTO

DAISY HERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with