Bakasyon ng Trumpets

Hanga naman ako sa magandang gesture ng bagong singer na si Dave. Sinunod muna niya ang kagustuhan ng kanyang magulang bago niya hinarap ang sarili niyang kaligayahan.

Isang Fil-Chinese si Dave Lao na nagtapos muna ng business management at hinarap ang shipping lines business ng kanilang pamilya. Katunayan, kilalang negosyante si Dave sa Davao, Cebu at General Santos City kung saan siya ipinanganak. Pagkatapos ng ilang taon na pamamahala ng kanilang kompanya, hiniling niya sa kanyang ama na payagan naman siyang sundin ang kanyang hilig sa pagkanta.

Binigyan naman siya ng blessing pero ang mahigpit na bilin "Ok but don’t mess up with the girls," seryosong sambit daw ng kanyang ama.

Nagsimula ito nang hilingan siyang gawan ng demo type ang kanyang kaibigang DJ sa MTV channel, pero hindi ito dumating sa studio, kung kaya siya ang bumanat ng mga kanta na nagustuhan naman ng Galaxy Records at pinapirma na siya ng kontrata. Pagkatapos ay nag-click agad sa radio ang kanta niyang  "What Makes You Stay" dahil sa magandang melody at style nito.

Bukod sa pagkanta, mahusay din si Dave sa art lalo na sa painting. Bago naging singer ay nagtrabaho muna ito sa Pro-Ads company bilang video editor. Siya rin ang gumawa ng sarili niyang MTV ng kantang "What Makes You Stay."

Kung dati nagpo-produce ng show o concert si Dave, ngayon ay may sarili na itong CD Lite na naglalaman ng apat na kanta na "What Makes You Stay," "I Fall All Over Again," "With These Eyes" at "Sa Bawat Sandali" na release ng Galaxy Records.
* * *
Gusto n’yo bang sundan ang yapak ni Christian Bautista bilang Asia’s pop idol? O gusto n’yong maging busy o maging meaningful ang bakasyon ng inyong mga anak? Puwes go na kayo sa Trumphets Musicademy ngayong summer.

Tiyak na magi-enjoy na ang inyong mga kids, marami pa silang matututunan dahil marami itong courses offered tulad ng language, voice, instruments, group classes at performance courses. Bukod sa marami pa silang makikilalang bagong kaibigan.

Part din ng Trumpets si Sam Concepcion, ang winner ng Big Division ng Little Big Star at si Nina Corpus. Ang Musicademy ay nasa 5 flr. Shangri-La Plaza Mall malapit sa Cravings. pls. call 6362842, 6334387 at 6354478.

Show comments