^

PSN Showbiz

Maitim na kilikili

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maganda ang TV host, sayang nga lamang at nang minsang itaas nito ang mga kamay sa isang production number ay nakita ang nangingitim niyang kilikili. Di ito dapat nangyari dahil pwede na ngayong paputiin ang kilikili sa pamamagitan ng body scrub. Ang iba ngang morenong celebrities ay mapuputi na ang kilikili courtesy of some popular dermatologists.
Ayaw Humiwalay Sa Parents
Tinanong namin ang Mommy ni Toni Gonzaga kung ano ang estado ngayon nina Toni at Sam Milby. Gagawa kasi ng pelikula ang dalawa tentatively titled King and Queen of Hearts. Sinabi nitong ayaw pa ring magpaligaw ng actress-TV host.

Bukod sa career ay prioridad pa rin ni Toni ang kanyang pamilya. Nakabili na ito ng mga lupa. Pinatatayuan na niya ng magarang bahay ang isang lupang nabili sa may Ortigas Extensions ang Richmond Subdivision.

Kayang-kaya nitong mamuhay ng solo sa isang condo pero ayaw niyang bumukod sa mga magulang dahil mas komportable ang buhay niya sa piling ng pamilya.

Abala ito ngayon sa promosyon ng album na "You Complete Me-Toni" under Star Records.
Nagbabalik Ang Horror Dive
Naging masaya ang presscon ng Kakabaka-BOO! kung saan naging star of the night ang horror diva na si Ms Chaka Doll. Nakakaaliw ang mga sagot nito sa mga katanungan ng press people na narun gaya ng pandededma sa mga nanliligaw sa kanya dahil naka-concentrate siya sa career.

Nakausap namin ang director nito na si Rico Gutierrez at sinabing kakaibang katatakutan ito dahil pwedeng-pwede itong panoorin ng mga bata. Dahil sa visual effects.
Sis Challenge
Ngayong Martes ay sasabak sina Karylle, Francine Prieto, Pauleen Luna at Jaboom Twins sa Sis Challenge, kailangan nilang hanapin ang nawawalang kapares na sapatos tulad ni Cinderella o pagsasaulo sa pangalan ng Seven Dwarfs na batay sa mga fairy tales na love na love natin.

May patikim pang highlights sa nalalapit na pagtatapos ng Encantadia.

Kaya ngayong Martes, sina Sis Gelli, Janice at Carmina ang mga fairy godmother nila.
Saludo Ang Ama
Masayang-masaya ang balikbayang ama ni Marri Nallos na original "Crystal Voice of Asia" dahil sa malaking pagbabago ng kanyang anak nang mapanood niya ito sa show ng Tiongco Brothers.

"Ibang-iba na ang stage presence nito at ang taas ngayon ng kanyang boses lalo na nang awitin ang "Paano Kita Mapasasalamatan." I’m proud of my daughter at mami-miss ko na naman siya dahil I’m leaving for London," aniya. May nang-intriga nga na mas maganda pa ang rendition nito ng said song kaysa kay Kuh Ledesma.

AYAW HUMIWALAY SA PARENTS

CENTER

CRYSTAL VOICE OF ASIA

DAHIL

FRANCINE PRIETO

JABOOM TWINS

SIS CHALLENGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with