"Ewan ko ba pero, nang mabihisan si Jackie (Rice) ng kanyang costume sa Encantadia ay nakamukha na niya si Karylle. Bagay silang mag-ina."
Nang tanungin naman siya kung hindi ba siya nahirapan na idirek ito dahil sa bagung-bago pang artista, sinabi niya na "Magaling silang umarte ni Marky Cielo. Marami nga ang nagulat sa kanila. Sa kanilang dalawa, Jackie needs a lot of work para mas gumaling pa pero, napaka-sipag niya. Di siya katulad ng marami na wala nang talent, tamad pa. Si Jackie, masipag na may talent pa. At maganda."
Hindi nakapagtataka kung maging malungkot ang pagtatapos ng telefantasya. Matagal ding tumakbo ang serye, mga 258 episodes. Sa misa nga na isinagawa dun mismo sa set ng telefantasya sa Pasig, pati si Alfred Vargas ay nangingilid ang luha. Sabi nga ng paring nag-misa, maraming napasayang manonood ang serye, pati na ang mga sakristan niya na mahigit sa isa ang nagprisintang asistihan siya nang malamang ang misa ay pasasalamat para sa pagtatapos ng fantaserye. "Pero, di naman tayo dapat malungkot dahil babalik din naman ito. Di nga lamang agad-agad pero, ang palabas sa TV ay paikut-ikot lamang. Baka makaraan lamang ang 10 taon ay mapapanood nating muli ito sa ere," sabi niya.
Pati si Direk Mark ay nagpalipas ng apat na araw sa Hongkong para magamot ang lungkot na nadarama niya. Pero, lalo lamang siyang nalungkot nang makita niya si Sunshine Dizon sa cover ng Mabuhay Magazine na ibinibenta dun.
Si Sunshine din ang bumulaga sa paningin ni Alfred na pumunta naman ito ng China. Cover din ito ng isang magasin na Pinoy.
Ang kilalang news reporter at co-anchor ng Magandang Gabi Bayan na si Katkat de Castro will discuss the best way to travel to a pre-chosen destination, magbibigay din siya ng tips sa mga coolest accomodations available. Nood kayo dahil tulad ko, siguradong naghahanap kayo ng murang mapupuntahan ngayong bakasyon kasama ang pamilya nyo.
Namatay nung Linggo ng gabi ang aking kaibigan at itinuturing na isa nang kapamilya, si Chat Silayan, sa edad na 46, matapos maratay sa banig ng karamdan sa St. Lukes Hospital ng mahiagit sa isang buwan sa sakit na cancer of the colon.
Nakikidalamahati ako sa kanyang asawang si Mike Bailon, sa kanilang mga anak, na si Victor, 17, Timothy, 13 at Micaela, 11, sa ina at mga kapatid ni Tita Chat na matagal na panahon ko ring nakasama.
Isang masayahing tao si Tita Chat nung nabubuhay pa, isa sa pinakamagandang babae, inside and out. She got her wish to die, not during the Holy Week but on a Sunday. Paalam, tita Chat, hinding-hindi kita makakalimutan.