Maynard binigyan ng break ng utol niyang si Gov. Mark Lapid

Nahirapan man sa mga eksenang maaksyon, masaya ang utol ni Gov. Mark Lapid na si Maynard dahil natupad ang mabisyong pasukin ang showbiz. Tulad ng amang si Senador Lito Lapid, na isang action star din, gusto ni Maynard mapatunayan na may ibubuga rin siya.

"Lapid din kasi ako. Basta Lapid kasi, action kaagad ang nasa isip ng sinumang tagahanga," sabi ni Maynard. Sa pelikulang Apoy sa Dibdib ng Samar ng (North East Production), bida si Mark Lapid. Nagustuhan ng producer na taga-Samar si Mark para gumanap bilang bida sa naturang pelikula directed by Kaka Balagtas. Tampok namang sumuporta sina Beth Oropesa, Roi Vinson, Jess Lapid Jr., Dick Israel at leading lady na si Cristine Reyes.

Masaya si Maynard dahil introducing siya sa pelikulang ito. Nag-aaral pa kasi noon ang bunsong Lapid kaya’t hindi mabigyan ng pagkakataong mag-artista. Ayaw nina Sen. Lito Lapid at Marissa na maabala sa pag-aaral ang bunso nilang anak, eh si Mark graduate na ng college, noong payagang mag-artista.

"Mahal ko ang showbiz. Dito kami nakilala," kwento ni Mark. Malaking tulong sa pagiging governor niya ang maging isang artista at anak ng action superstar.

Ngayon, kahit governor na siya, tuloy pa din ang showbiz life. Hindi nakakapagtaka kung bakit binigyan ng break ang utol niyang si Maynard, bilang introducing sa naturang movie, ang Apoy sa Dibdib ng Samar. — VIR GONZALEZ

Show comments