Mowelfund may panawagan
April 24, 2006 | 12:00am
Walang tigil ang pamunuan ng Mowelfund sa paghahanap ng mga paraan ng pangdagdag na benepisyo sa humigit-kumulang na 2,500 kasapi bukod sa tulong sa gamot, operasyon, hospital hanggang sa kanilang pagyao. Sa kabila ng kagipitan, pinansyal na nararanasan ng Mowelfund, para namang ibinibigay ng Diyos ang kanyang kamay na punung-puno ng biyaya upang matugunan ang layunin at misyon ng foundation sa kapakanan ng maliliit na manggagawa ng Pelikulang Pilipino.
Sa nakaraang pagdiriwang ng 32 anibersaryo, may mabubuting puso at kalooban na grupo, ang pamunuan ng Supervalue Franchise Concept (Pangkabuhayang Program) ang nakibahagi at nagdulot saya sa mga kasapi, naghandog ng free food tasting buhat sa ibat ibang food booth tulad ng Pinoy Big Burgerm, Ice-Cream, Shawarma, Chiken Ala King at iba pa. Naghandog din ng dalawang unit na nagkakahalaga ng P30,000 ang isa sa Welfare Department at sa major prize ng bingo.
Naghandog sila ng panukala sa Welfare Department at sa Executive Director na si Boots Anson-Roa, na ang bawat kasapi na may kakayahan ay magsimula sa hanapbuhay na pagkain. Dahil sa kakulangan ng trabaho sa film production maaaring "big brother" style ang gawin. May malalaking pangalan na artista at government agencies service ang maaaring mag-sponsor ng isang unit at babalik naman ang puhunan "on boundary hulog type on daily sales". Panawagan sa mga may kakayahang artista na bigyan pansin ito.
Sa darating na June, gaganapin naman ang 2nd Mowelfund Golf Cup "Mowelfund Invitational Golf" sa pamumuno ni former Senator Tito Sotto, bilang project chairperson kasama si Pat Roman. CHIT SAMBILE

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am