Pero nang maghiwalay na ang dalawa ay pinupuna ng aktor ang ex-wife kung saan sinasabing nagger ito. Pati itsura nito ay pinipintasan na rin ng aktor.
Wala na siyang balak na balikan pa ang dating asawa dahil masaya na ang aktor sa bagong live-in partner.
Noong hapon naman ay tumuloy ito sa Robinsons Place Manila para sa kanyang blind beneficiary na tinaguriang Call Foundation. May libreng eye check-up at programa na kinabibilangan pa rin ng StarStruck Batch 3 at ni Dion Ignacio at Valerie Concepcion. Nagkaroon din siya ng gift giving dito at kinagabihan ay binigyan si Angel ng swimming party ng kanyang Original Angel Locsin Fans Club.
"Ito na ang pinakamasaya kong kaarawan. Iba talaga ang pakiramdam ko dahil marami akong napasaya. Mas ginusto ko magselebreyt dito ng aking kaarawan. Nagpapasalamat ako kay Ms. Ida Henares ng GMA Artist Center, mga sponsors at Daddy kot mga kapatid sa walang sawa nilang pagsuporta sa akin. Higit sa lahat nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang natatanggap ko sa Kanya. Sanay magtuluy-tuloy pa ang maganda kong career at wish ko ang magandang kalusugan para makapagtrabahong mabuti. Wala na akong hinahangad pa sa buhay ko ngayon," anang aktres.
Lolo nito si Eddie Garcia at tatay naman si Joey Marquez. Sa nasabing movie ng Seiko Films.
Hindi naman kataka-taka kung bakit naging maamo ang kapalaran sa kanya dahil siya ang tumatayong breadwinner ng pamilya. Inamin ni Dion na walang trabaho ang kanyang magulang. Siya rin ang nagpapaaral sa dalawang kapatid na nasa high school at dalawa sa elementarya.
Masinop din ito sa pera at nakapag-invest na rin ng sasakyan ang Rav 4 na nakuha niyang parang bago kahit second hand lang ito. Balak niyang bumili ng bungalow sa kalapit ng nirerentahang apartment.
"Kaya gusto ko Tita, magtrabaho nang magtrabaho para makaipon ng pera para mabigyan ko ng kaginhawahan ang aking pamilya," aniya.
Kung noon ay may nauusong Macarena, Asereje, Choopeta at kung anu-ano pang dance hits na di maintindihan ang lyrics. Ngayon ay may mga panibagong dance hits na di rin maintindihan ang lyrics na usung-uso sa dance floor.
Kung ano ito, saksihan na lang ang napakasayang pag-indak, paggiling, pagyugyog ng mga guest young stars na sina Ryza Cenon, JC de Vera, Paolo Ballesteros, Jackie Rice, Marky Cielo at Abstract dancers sa saliw ng mga dance hits na ito pati na ang hosts sa Sis.