Goma, ready na sa intriga sa pulitika

Hindi maalala ni Richard Gomez ang name niya sa Captain Barbell dahil hindi pa sila nagti-taping. Kontrabida ang role niya na kaiinisan ng viewers. Siya ang male counterpart ni Sunshine Dizon na pumayag ding maging kontrabida.

Excited na si Goma sa role niya sa Pinoy super hero at alam niyang matsa-challenge siya dahil iba sa dati niyang ginagampanan. Ang alam nito, kundi end ng May ay first week ng June magsisimula ang airing. Gagastusan daw ito ng husto ng GMA-7 gaya sa mga naunang fantaserye ng istasyon.

Pinansin pala naming siya lang ang taga-Ch. 7 na nasa opening ng Nestle Creamery at majority ng invited ay talents ng ABS-CBN. Ngumiti lang si Richard at sabi’y pare-pareho lang sila pero, nailang din yata’t maya-maya’y umalis na. Wala rin kasing nag-i-entertain sa kanya’t, ‘di man lang in-acknowledge ang presence.

Anyway, pinag-iisipan ni Richard na tumakbong governor o congressman ng Bulacan sa darating na election. Tiyak na marami ang kokontra sa plano niyang ito pero, nakahanda na raw siya sa mga isyung ibabato sa kanya ‘pag nagkataon.
* * *
Inaayos na ang script nang gagawing movie ni Gary Valenciano under Reality Entertainment ni Dondon Monteverde. Family drama about a father and his two sons na gagampanan ng mga anak niyang sina Paolo at Gabriel Valenciano ang tema ng pelikula to be directed by Erik Matti.

Nag-acting workshop na sina Paolo at Gab bilang paghahanda sa kanilang debut movie. Si Gary din ang kakanta ng movie theme song at ni-request na mag-cameo role ang friend niyang si Zsazsa Padilla.

Excited si Gary na muling gumawa ng pelikula’t 1995 pa ang Hataw Na, his last movie. After this, mas nakilala siyang "Movie Theme Song King."
* * *
Lahat nang nakapareha ni Rochelle Pangilinan sa Daisy Siete ay na-link sa kanya kaya, expected nang magkakaroon ng sitsit sa kanila ni Biboy Ramirez. Ang actor ang leading man niya sa Season 11 ng drama series ng Sexbomb entitled Nasaan Ka? na ngayong Lunes na ang simula ng airing.

Sanay na si Rochelle sa pagkawala nila sa Eat Bulaga. Kinuha sila ng GMA-7 para sa SOP at semi-regular din siya sa Ganda ng Lola Ko. Marami rin silang out-of-town shows pero, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na maaayos ang rift nina Malou Choa-Fagar at manager nilang si Joy Cancio at makakabalik sila sa noontime show.

Samantala, iniimbitahan ni Rochelle ang fans ng Sexbomb sa kanilang fans day sa May 31 sa UP Theater na tinawag na Lips Don’t Lie. Marami silang guest stars na sasali sa parlor games, raffle at free show.
* * *
Naka-set sa August ang 3rd Annual Golden Screen Awards sa Meralco Theater. First joint venture ito ng X Zone Entertainment, Inc. at Larger Than Life, Inc., ang pinakabagong state-of-the-art post production house ng bansa.

Sina Dondon Monteverde, Joven Tan at director Erik Matti ang nasa likod ng X Zone Entertainment na isa sa top events group ngayon. Sila ang producer ng concert nina Michael V. at Candy Pangilinan to name a few.

For marketing inquiries tungkol sa Golden Screen Awards, please contact Ms. Milette Soto at 0918-9058888.
* * *
Sisimulan ng Moms ang linggo sa episode this Monday entitled Hataw sa Tag-araw. Guests sina Long Mejia, Tado, Hubz at Maverick na magpapatalbugan ng kuwentong summer nila.

Si Long pala’y mahilig sa mud fight with his friends. Baguio nightmare ang summer experience ni Tado; ang magpakalasing ang isi-share ni Hubz at si Maverick, ‘di makalimutan nang malunod ang isang kalaro sa harap niya.

Sa episode na Ngiti Pa Lang, Ulam Na, guests ang mga papable na sina Dennis Trillo, Andrew Wolfe, John Joseph at Jon Mullaly. Kahit pala guwapo’y may problema at didiskubrihin ito nina Lani Mercado, Manilyn Reynes at Sherilyn Reyes.

Show comments