Dahil sa bigat, nabiyak ang niluluhuran sa simbahan ng anak ni Kris!

Nakakatuwa ang kwentong Joshua ni Kris Aquino na tini-text nito sa kanyang fans. Bumili raw ng pirated DVD ang anak nang pumunta sa Star City at ‘di nagpapigil kahit sinabi ng secretary niya na magagalit siya. Hindi nabanggit ng TV host-actress kung anong klaseng DVDs ang binili ng anak.

Sinabi rin ni Kris na kailangan nang mag-reduce ang anak dahil overweight ito. Nag-crack daw ang luhuran ng simbahan na sinisimbahan nila nang lumuhod si Josh dahil sa bigat. Kinakitaan din niya ng stretchmarks sa tiyan ang anak. Naaawa sa anak si Kris dahil love nitong kumain lalo na ng favorite na noodles at ulam.

Ibinalita rin ni Kris na tapos na nila ang dubbing ng Sukob at nag-pictorial na rin sila ni Claudine Barretto. Kundi mababago, sa May ang showing ng pelikula na mas nakakatakot daw kesa sa Feng Shui.
* * *
Nagkita sa premiere night ng Pamahiin sina Popoy Caritativo (manager nina Dennis Trillo at Marian Rivera) at Arnold Vegafria (manager ni Iya Villania) pero, ‘di man lang nagtinginan at nagbatian. Biniro ng isang reporter si Popoy tungkol kay Arnold at natawa kami sa sagot nito. Bawal isulat at baka pagsimulan ng away. 

Sana, maging daan ang magandang gross ng movie ng kanilang mga talent para magkabati na ang dating friends na talent managers. Sa text ni Manny Valera, ibinalita nitong P5.5 million ang first day gross ng movie na binigyan din ng B rating ng CEB nationwide at halos ganoon din ang kinita ng second day.

Tuwang-tuwa nito si Director Rahyan Carlos at tiyak na mapapadali ang next movie assignment niya sa Regal na drama para raw maiba.
* * *
Idinepensa ni Irra Cenina, isa sa finalist ng Pinoy Pop Superstar ang tsikang suplado siya’t ‘di kasundo ang ibang finalists sa singing search ng GMA-7. Misunderstood lang daw ang kilos at pananalita niya pero, ‘di siya ganoon.

Nag-sorry na siya sa mga kasama. Liberated, open and he laughs and talks very freely lang daw. Sana raw, tanggap siya ng mga kasama the way he is.

Samantala, walang mabanggit si Irra kung sino kina Harry Santos, Gerald Santos, Rosemarie Tan, Elise Estrada, Denver Regencia at Aicelle Santos ang mahigpit niyang makakalaban sa finals sa May 6. Bukod sa different styles, magagaling daw silang lahat at pinaghahandaan ang darating na finals.
* * *
Dalawa ang singles ng self-titled at 13-track album ni Lovie Poe na released ng BMG Pilipinas. Ang "I Love You" ay pang-masa raw at pang-high end naman ang "I Never Know Love." 

Maganda ang intention ng BMG pero, parang may discrimination dahil lumalabas na hindi masasakyan ng masa ang "I Never Know Love." Mabuti’t wala pang nagrereklamo sa gimik na ito. Nakakagulat din dahil ang "I Love You" ay nag-number one sa isang FM station na hindi nagka-cater sa masa.
* * *
Sabi ng Program Manager ng Kakabaka-Boo na si Cheryl Sy, limited lang ang run ng horror-comedy program. Buong summer lang ito tatakbo kaya sa press release, may dagdag na Scary Summer. But for sure, ma-i-extend si Chaka Doll ‘pag muling nag-hit sa TV viewers ang stories na mapapanood.

Show comments