Hindi na-tsugi sa PBB,nagbabakasyon lang!
April 23, 2006 | 12:00am
Si Toni Gonzaga ang nalagay sa blind item na sa halip na mag-promote ng show nila sa San Francisco, San Diego at Los Angeles ay walang ginawa kundi mag-shopping at dumalaw sa mga kamag-anak nila. Hindi alam ng aktres at ng Mommy Pinty nito kung saan nanggaling ang balita.
Kahit naintriga ay tanggap naman si Toni ng mga Pinoy sa mga shows na pinuntahan nila. Maraming nag-aakala na ang mga shows nito ang naging dahilan kung bakit hindi si Toni ang magho-host ng PBB Teen Edition.
Pero hindi naman pala natsugi ang magandang aktres kundi nag-leave of absence lang at alam ito ng EP na si Linggit Tan dahil may gagawin itong pelikula tentatively titled Queen and King of Hearts, katambal ni Sam Milby at isang soap opera na pagtatambalan nila ni Luis Manzano titled Tayong Dalawa na gagawin pa sa Europe. Kailangang tapusin niya ang mga commitments na ito.
Kung take one sina Luis Alandy at Polo Ravales sa isang movie nila ay kabaligtaran naman ito ni John Prats.
"Kahit pa-girl ako rito ay ayaw kong magsuot ng two piece at makipaghalikan sa kapwa ko lalaki. Gusto ko pa rin na ma-maintain ang aking image lalo na sa mga kabataan," anang aktor.
Nililigawan pa rin nito si Nancy Castiglione at sinabing kapag sinagot na siya nito ay di niya ito ililihim dahil lahat ng naging karelasyon nito ay alam ng mga tao.
Si Harry Santos ang kauna-unahang grand finalists sa Pinoy Pop Superstar year 2. Sa loob ng pitong linggo ay naging paborito siya ng publiko dahil sa lamig ng tinig lalo na kapag kinakanta ang mga awiting pinasikat ng international singer na si Josh Groban.
Pangarap nito na sumikat na singer at makatulong sa pamilya kaya umaasa na sanay manalo siya sa Grand Showdown na gagawin sa Mayo 6 sa Araneta Coliseum.
Si Elise Estrada ay ipinanganak sa Marikina ngunit lumaki sa Canada na siyang kinatawan ng Filipino community dun. Naging Miss Teen Vancouver 2004 at mahilig sa jazz at R&B bukod pa sa pagsusulat nito ng mga kanta. Nag-aral siya ng business course sa Kwantlen College sa Vancouver bago siya napasali at talunin ang 14 na iba pang kalahok sa Pinoy Pop Superstar sa Canada.
Ipinakilala na sa press people ang pitong grand contenders ng Pinoy Pop Superstar (Year 2) na sina Gerald Santos, Aicelle Santos, Ira Cemina, Denver Regencia, Elise Estrada, Rosemarie Tan at Harry Santos. Wala kang itulak kabigin sa galing nilang umawit.
Nagagalit ang isang manager sa kanyang talent na aktres dahil may iniindorso itong isang beauty product pero hindi naman niya ito ginagamit.
Kaso biglang nag-react ang magandang aktres at sinabing wala siyang magagawa kundi niya type gamitin ang iniindorsong beauty product.
Ang young actress ay nagbabalik-sigla ang career matapos sumali sa isang reality show. May panahong nanamlay ang kanyang pag-aartista.
Kahit naintriga ay tanggap naman si Toni ng mga Pinoy sa mga shows na pinuntahan nila. Maraming nag-aakala na ang mga shows nito ang naging dahilan kung bakit hindi si Toni ang magho-host ng PBB Teen Edition.
Pero hindi naman pala natsugi ang magandang aktres kundi nag-leave of absence lang at alam ito ng EP na si Linggit Tan dahil may gagawin itong pelikula tentatively titled Queen and King of Hearts, katambal ni Sam Milby at isang soap opera na pagtatambalan nila ni Luis Manzano titled Tayong Dalawa na gagawin pa sa Europe. Kailangang tapusin niya ang mga commitments na ito.
"Kahit pa-girl ako rito ay ayaw kong magsuot ng two piece at makipaghalikan sa kapwa ko lalaki. Gusto ko pa rin na ma-maintain ang aking image lalo na sa mga kabataan," anang aktor.
Nililigawan pa rin nito si Nancy Castiglione at sinabing kapag sinagot na siya nito ay di niya ito ililihim dahil lahat ng naging karelasyon nito ay alam ng mga tao.
Pangarap nito na sumikat na singer at makatulong sa pamilya kaya umaasa na sanay manalo siya sa Grand Showdown na gagawin sa Mayo 6 sa Araneta Coliseum.
Si Elise Estrada ay ipinanganak sa Marikina ngunit lumaki sa Canada na siyang kinatawan ng Filipino community dun. Naging Miss Teen Vancouver 2004 at mahilig sa jazz at R&B bukod pa sa pagsusulat nito ng mga kanta. Nag-aral siya ng business course sa Kwantlen College sa Vancouver bago siya napasali at talunin ang 14 na iba pang kalahok sa Pinoy Pop Superstar sa Canada.
Ipinakilala na sa press people ang pitong grand contenders ng Pinoy Pop Superstar (Year 2) na sina Gerald Santos, Aicelle Santos, Ira Cemina, Denver Regencia, Elise Estrada, Rosemarie Tan at Harry Santos. Wala kang itulak kabigin sa galing nilang umawit.
Kaso biglang nag-react ang magandang aktres at sinabing wala siyang magagawa kundi niya type gamitin ang iniindorsong beauty product.
Ang young actress ay nagbabalik-sigla ang career matapos sumali sa isang reality show. May panahong nanamlay ang kanyang pag-aartista.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended