^

PSN Showbiz

Mark, masaya para kay Kris

RATED A - Aster Amoyo -
Sa kabila ng pagiging action star at governador ng Pampanga ay napakamahiyain pa rin ng panganay ni Sen. Lito Lapid na si Mark Lapid, bida ng pelikulang Apoy sa Dibdib ng Samar na pingtambalan nila ni Cristine Reyes.  Nagba-blush ito sa tuwing tinatanong namin siya tungkol sa kanila ni Cristine.

"Magkaibigan lamang po kami ni Cristine," nangingiti niyang tugon bagay na ayaw namang paniwalaan ng mga dumalong press sa kanilang presscon.

Maging si Cristine ay nagsabi na hindi umano nanliligaw sa kanya si Gov. Lapid.  Pero kabaliktaran ito sa mga napapabalita at sinasabi mismo ng ilang taong malapit sa kanilang dalawa.  Nariyan ang balitang si Mark umano ang nagbigay ng birthday party kay Cristine. 

Sila ang magka-date nung Valentine’s Day kung saan pa niya niregaluhan si Cristine ng isang Tiffany necklace na may palawit na korteng puso.  Nakita pa umano silang nagsa-shopping sa may Shangri-La mall.

Suot-suot pa ni Cristine ang bigay na necklace sa kanya ni Mark nung gabi ng presscon na inayos pa ng huli.  Sa totoo lang, isa kami sa hindi naniniwala na walang ispesyal na namamagitan ngayon sa kanilang dalawa.

Sinabi ni Cristine na mabait at thoughtful si Mark at may pag-asa umano ito sa kanya kapag ito’y nanligaw.  Siyempre, nakangiti lang si Mark at ang nakababata nitong kapatid na introducing sa pelikula, si Maynard Lapid.

Mukhang unti-unting sinusundan ni Mark ang mga yapak ng kanyang ama mula sa pagiging action star hanggang sa pagiging isang pulitiko.  Pati rin kaya sa pagiging chickboy?

Muli, ngiti lamang ang sagot ni Mark.

Tinanong namin si Mark kung may naaalaala siya sa araw ng mga puso. Hindi man niya tahasang sinabi ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend ay si Kris Aquino ang kanyang tinutumbok.  Sinabi rin namin sa kanya na mahilig talaga siya sa mga babaeng mapuputi at pangalang Kris o Cris.

Nang tanungin siya tungkol kay Kris Aquino ay sinabi nitong masaya umano siya para sa dating katipan dahil alam niyang masaya ito ngayon sa piling ng asawang si  James Yap. Sa edad na 27, sinabi ni Mark na loveless (umano) siya, bagay na ayaw naming paniwalaan.

Samantala, hindi kaya natatakot si Mark at ang producer nitong Northeast Films sa magiging resulta ng pelikula sa takilya considering na matagal nang walang nagpu-produce ng mga action movies.

"Kung walang magsisimulang muli, paano natin maibabalik ang interes ng publiko na muling tangkilikin ang mga action movies?" pahayag ni Mark.

Bukod kina Mark at Cristine, ang Apoy sa Dibdib ng Samar ay tinatampukan din nina Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Jess Lapid, Jr. at ipinapakilala si Maynard Lapid. Magkakaroon ito ng premiere showing sa Lavezares, Northern Samar sa Mayo 5 at showing naman sa Mayo 10.  Lahat ng manonood ng pelikula ay may pag-asawang manalo ng cash prizes na nagkakahalaga ng P2-M.  
* * *
[email protected]

APOY

CRISTINE

CRISTINE REYES

DIBDIB

ELIZABETH OROPESA

KRIS AQUINO

MARK

MAYNARD LAPID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with