Mayro’n bang Pinoy na ayaw ng ice cream?

Meron ba? Wala akong alam. Sa pamilya ko, lahat matakaw ng ice cream. Maging ang mga lalaki sa bahay, starting from my husband, my two grown up sons hanggang sa mga apo kong lalaki, five year old MacMac to 20 month olds, Fonzy and AJ. Even my 85 year old mother, kayang tumumba ng kalahating galon ng ice cream sa isang upuan lamang.

Ito marahil ang dahilan kung bakit minarapat ng Nestle Creamery na magbukas ng isang ice cream parlor sa pusod ng Quezon City, sa Nestle Ice Cream Compound, Aurora Blvd. Dati, magsasawa kayo ng banana split, buko fiesta, macapuno pandan medley, at mga ice cream cakes tulad ng tiramisu, eskimo decadence, banana split pie, ice cream pie, sundae, cobbler at parfait. May bago silang flavors, citrus banana, creme parfait, choco mint trifle, fruity clear glass, cherry chocolate parfait, strawberry cream parfait at mango berry coupe.

Nagre-reduce kayo? Meron din sila para sa inyo, mga concoctions na pwedeng pagsalu-saluhan, tulad ng tuxedo (vanilla swiss roll with cookies n cream flavored ice cream glazed with dark chocolate sauce). Bucket of apples (apple ice cream served in a bucket w/sugar cones at ang tatlong itlog (banana turon w/caramel sauce w/ scoops of ice cream).

Ang better news, di lang isang ice cream house ang Nestle Creamery, nagsi-serve din dito ng hot meals – chicken, meat, seafood at pasta dishes.

Joint venture ito ng Nestle Phils. Inc. at Innovasian Idea, Inc., ang kumpanya na nagpapatakbo ng Orbits Pearl Shakes at Thumbs Up Ice Cream. Pwedeng tumawag at magtanong sa (632) 4157872/4154842.

Bukas ang Nestle Creamery ng 10NU-10NG.
* * *
Good news ito sa mga theater lovers na Pinoy. Nakakapag-malaki ang pangyayari na ang isang local musical production, ang Aspects of Love, isang international hit ni Andrew Lloyd Webber na ginawang produksyon ng New Voice Company na pinamumunuan ni Monique Wilson at ipinalabas dito sa atin last year ay ipalalabas sa Drama Centre, Singapore sa April 28-May 6.

Ang Aspects of Love ay buhay at pag-iibigan ng limang central characters, isang gwapong lalaki (Jake Macapagal), isang magandang aktres (Monique Wilson), isang may edad nang aristocrat (Leo Rialp), isang manlililok na Italyano (Jenny Jamora) at isang 15 taong gulang na babae (Nikki Ventosa) na naganap sa south of France, Italy at Paris.

Ang direksyon ay pagtutulungan nina Monique at ang acting coach niya sa Londson na si Dee Canon.
* * *
Palabas na bukas, Linggo, sa GMA7 sa Sunday Night Box Office (SNBO) ang Heartsongs, isang konsyerto para sa Araw ng mga Puso nina Kyla at JayR na ginanap sa Aliw Theatre at tinampukan din nina Jennylyn Mercado at Mark Herras at Rainier Castillo at Yasmien Kurdi.

Show comments