Mark Lapid, masaya dahil pabor sa kanya si Ara Mina para kay Cristine
April 21, 2006 | 12:00am
Pilit na itinatanggi ni Mark Lapid, gobernador ng Pampanga at bida sa initial movie ng Northeast Films na pinamagatang Apoy sa Dibdib ng Samar na meron silang ugnayan ng kanyang kapareha sa pelikula na si Cristine Reyes, kapatid ni Ara Mina.
"Magkaibigan lang talaga kami. Di pa ako nanliligaw sa kanya bagaman at nagpapasalamat ako na mukhang positibo ang tingin ko sa sinabi ni Ara Mina tungkol sa akin nang hingan siya ng komento tungkol sa akin dahil nga raw nililigawan ko ang kapatid niya. Maganda yung sagot niyang "Mukhang mabait naman si Mark."
Marami ang naniniwala na naghihintay lamang ng tamang pahahon si Mark para ligawan si Cristine, kung totoo nga raw na wala pa silang ugnayan sa ngayon. Hindi nito itinanggi na binigyan niya ng kuwintas si Cristine na may pendant na puso nung Valentines Day.
"Valentine gift ko yun sa kanya. Nagso-shooting na kami nang sumapit ang Valentines Day. Hugis puso yun para di niya makalimutan kung kailan ko yun ibinigay sa kanya. Tinanong ko rin siya kung may date siya nung araw na yun. Sabi niya wala raw eh, wala rin naman akong ka-date kaya kami-kami ang lumabas, it was a group date," paliwanag ni Mark sa presscon ng Apoy sa Dibdib ng Samar.
Isang pulis probinsya si Mark sa pelikula. Isa namang nars si Cristine na gumaganap ng role ng kasintahan niya. Naipit sila sa away ng kanilang mga magulang. Ina ni Mark si Elizabeth Oropesa, ama ni Cristine si Dick Israel, isang illegal logger. Palabas na ito sa Mayo 10 sa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas.
Lahat ng manonood ng pelikula ay bibigyan ng raffle ticket kapalit ng kanilang tiket na binili. Gaganapin ang grand draw nito sa June 16. Ang mananalo ay tatanggap ng P1M, first prize; P500,000, 2nd prize; P300,000, 3rd prize. May 10 consolation prizes na tig-P20,000. Lahat ng premyo ay tax free. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa mga biktima ng mga trahedya.
Nakalipat na si Nene Tamayo sa kanyang napanalunang bahay at lupa mula sa PBB sa St. Monique Valais, Binangonan, Rizal.
Handa na ring lumipat sa kanyang napanalunang bahay si Keanna Reeves. Isa itong condo-ville sa Chateau Valenzuela sa Bulacan. Ang dalawang bahay ay parehong bigay ni Delfin Lee na patuloy na magbibigay ng mga ganitong premyo sa mga susunod na winners ng PBB.
"Excited na akong makalipat. At least, meron na akong matatawag na sarili kong bahay. Hindi na ako mangungupahan at malapit lang naman ito sa QC. Maraming short cuts na daan," ani Keanna na very proud sa kanyang bagong property dahil ang lugar nito ay may sariling clubhouse, basketball court, miniplayground, swimming pool na may cabana type gazebos at function rooms.
"P1.5M yung halaga nung sa akin pero meron ding mga units na nagkakahalaga ng P700, 000 at pwedeng makuha nang "No Down Payment Equity" at maluwag sa financing scheme. Developed na ito at may 24-hour security post with roving guards."
For reservations, pwedeng tumawag sa 2928888.
Ilang buwan pa lamang ang Gagalocah, isang comedy bar sa tabi ng Nipa Hut Compound sa Capt. Javier St., Pasig pero dinadayo na ito dahil sa maraming nakakaaliw na palabas na handog nito. Tulad ng Bikini Watch, isang paligsahan na idinaraos tuwing Biyernes para sa mga may edad 16-25.
Tuwing Sabado, may performers dito gaya ng mga talents ng The Library (Malate) ni Andrew S. de Real na sina Pooh, Kim at Teri Onor. Ngayong Sabado, si La Vivorah kasama ang acoustic man na si Lord Brian, ang magpapasaya sa mga manonood. Nakapag-perform na si La Vivorah sa San Francisco, Calif.
Bago ang huling yugto ng Encantadia (Abril 24-28), bibigyan ng GMA7 ng karapat-dapat na pamamaalam ang nasabing serye sa Linggo, Abril 23 sa pamamagitan ng Avisala, Encantadia na kung saan magbibigay ng behind-the-scenes look sa sets, props at costumes ng Encantadia, mula Book 1 hanggang Etheria at Book 3, never before seen footages, mga bagong panayam, fresh cut music videos, bloopers, gags, exclusive confession and revelation at nakakaantig na mensahe ng pamamaalam mula sa mga aktor na naging bahagi ng serye. Hindi dapat palagpasin!
"Magkaibigan lang talaga kami. Di pa ako nanliligaw sa kanya bagaman at nagpapasalamat ako na mukhang positibo ang tingin ko sa sinabi ni Ara Mina tungkol sa akin nang hingan siya ng komento tungkol sa akin dahil nga raw nililigawan ko ang kapatid niya. Maganda yung sagot niyang "Mukhang mabait naman si Mark."
Marami ang naniniwala na naghihintay lamang ng tamang pahahon si Mark para ligawan si Cristine, kung totoo nga raw na wala pa silang ugnayan sa ngayon. Hindi nito itinanggi na binigyan niya ng kuwintas si Cristine na may pendant na puso nung Valentines Day.
"Valentine gift ko yun sa kanya. Nagso-shooting na kami nang sumapit ang Valentines Day. Hugis puso yun para di niya makalimutan kung kailan ko yun ibinigay sa kanya. Tinanong ko rin siya kung may date siya nung araw na yun. Sabi niya wala raw eh, wala rin naman akong ka-date kaya kami-kami ang lumabas, it was a group date," paliwanag ni Mark sa presscon ng Apoy sa Dibdib ng Samar.
Isang pulis probinsya si Mark sa pelikula. Isa namang nars si Cristine na gumaganap ng role ng kasintahan niya. Naipit sila sa away ng kanilang mga magulang. Ina ni Mark si Elizabeth Oropesa, ama ni Cristine si Dick Israel, isang illegal logger. Palabas na ito sa Mayo 10 sa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas.
Lahat ng manonood ng pelikula ay bibigyan ng raffle ticket kapalit ng kanilang tiket na binili. Gaganapin ang grand draw nito sa June 16. Ang mananalo ay tatanggap ng P1M, first prize; P500,000, 2nd prize; P300,000, 3rd prize. May 10 consolation prizes na tig-P20,000. Lahat ng premyo ay tax free. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa mga biktima ng mga trahedya.
Handa na ring lumipat sa kanyang napanalunang bahay si Keanna Reeves. Isa itong condo-ville sa Chateau Valenzuela sa Bulacan. Ang dalawang bahay ay parehong bigay ni Delfin Lee na patuloy na magbibigay ng mga ganitong premyo sa mga susunod na winners ng PBB.
"Excited na akong makalipat. At least, meron na akong matatawag na sarili kong bahay. Hindi na ako mangungupahan at malapit lang naman ito sa QC. Maraming short cuts na daan," ani Keanna na very proud sa kanyang bagong property dahil ang lugar nito ay may sariling clubhouse, basketball court, miniplayground, swimming pool na may cabana type gazebos at function rooms.
"P1.5M yung halaga nung sa akin pero meron ding mga units na nagkakahalaga ng P700, 000 at pwedeng makuha nang "No Down Payment Equity" at maluwag sa financing scheme. Developed na ito at may 24-hour security post with roving guards."
For reservations, pwedeng tumawag sa 2928888.
Tuwing Sabado, may performers dito gaya ng mga talents ng The Library (Malate) ni Andrew S. de Real na sina Pooh, Kim at Teri Onor. Ngayong Sabado, si La Vivorah kasama ang acoustic man na si Lord Brian, ang magpapasaya sa mga manonood. Nakapag-perform na si La Vivorah sa San Francisco, Calif.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended