Piolo, Rica, nagkaka-mabutihan?
April 21, 2006 | 12:00am
Although very inviting ang weather sa New York, USA ngayon dahil malamig (Spring) at isang buwan silang magkasama dahil sa taping ng I Luv NY, hindi ito dahilan para magkabalikan ang dating magkasintahang Jennylyn Mercado at Mark Herras dahil pareho na umano silang nakapag-move on. Hindi kaila sa lahat na tutok si Mark sa panliligaw kay Marian Rivera habang si Jennylyn naman ay meron na umanong bagong inspirasyon na hindi taga-showbiz.
May suspetsa rin ang marami na may unawaan na sina Mark at Marian dahil pinagseselosan umano ni Mark ang pagiging close nito kay Dennis Trillo. Iisa kasi ang manager nina Dennis at Marian, si Popoy Caritativo kaya natural na maging close ang dalawa.
Sa katapusan ng Abril ang balik ng tropa galing New York.
Samantala, tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Yayo Aguila na kasama siya sa I Luv NY pero wala umano siyang New York scene. Siya ang gaganap na ina ni Mark sa nasabing drama series. Huling napanood si Yayo sa telefantasyang Sugo.
Sina Yayo at William ay may 23 taon nang nagsasama at silay biniyayaan ng apat na anak - sina Patricia (na magtu-20 sa May 25), Dana (16), Danielle (12) at si Adam (5). Lahat sila ay nag-aaral sa Miriam College.
Although aktibo pa rin si William sa kanyang showbiz career, mas pinagkakaabalahan nito ang kanyang buy-and-sell business ng mga imported cars kung saan isang Pakistani ang kanyang ka-partner.
Nagkaroon kami ng pagkakataong makadaupang-palad ang VP at Managing Director ng Creative Programs, Inc. (CPI) na sister company ng ABS-CBN, si Chinky de Jesus Ang CPI siyang nagki-create, nagpu-produce at nagdi-distribute ng Lifestyle Network, MYX, Cinema One at ang Hero TV para sa cable at satellite market. Ang CPI din ang nagma-market na ANC (ABS-CBN News Channel) na produced naman ng News Group ng ABS-CBN.
Ang CPI ay nagsimula nung December 1991 bilang isang programming division lamang ng dating Central CATV Inc. (o SkyCable). Pero nang lumaki na ito ay nagdesisyon ang ABS-CBN top management na magbuo ng panibagong kumpanya. Dahil sa lumalaking demand and opportunities para sa cable, na-develop ang CPI at nag-acquire ng mga programa at saka ito nag-launch ng ibat ibang channels para sa Cable TV market na may magkakahiwalay na target audience.
Ang Cinema One ay ni-launched noong May 2001. Isa itong 24-hour Tagalog movie channel kung saan ipinapalabas ang mga klasiko, blockbuster at award-winning movies mula sa romance, drama, comedy, action, horror at fantasy films na produced ng mga top movie producers ng bansa.
Ang Lifestyle Network ay siyang pangunahin namang cable channel na kapupulutan ng mga pangangailangan at interes ng mga kababaihan.
Ang MYX naman ay isang 24-hour music channel para sa mga Pinoy music lovers at ang target audience nito ay teens at young adults. Dito napapanood ang mga celebrity young VJs tulad nina VJ Luis (Manzano), VJ Karel (Marquez), VJ Geoff (Eigenmann), VJ Heart (Evangelista) at VJ Nikki (Gil).
Ang Hero TV ay ang kauna-unahan at kaisa-isang all-Filipino-dubbed anime channel na ang target market naman ay ang mga bata.
Ayon kay Chinky, talo umano ng Hero TV ang mga foreign cable channels na pambata tulad ng Disney Channel, Cartoon Network at iba pa.
Ang Lifestyle Network, Cinema One, MYX at Hero TV ay pasok sa Top 10 ng Most Watched Channels sa Cable TV.
Gaano kaya katotoo ang balita na nagkakamabutihan umano ngayon sina Piolo Pascual at Rica Peralejo na magkasama sa teleseryeng Sa Piling Mo kung saan tampok din sina Judy Ann Santos at Albert Martinez.
Alam ng lahat na taken na si Juday dahil may Ryan Agoncillo na ito kaya hindi na puwedeng ipagpilitan pa ni Piolo ang kanyang sarili sa kanyang ka-loveteam. Parehong libre sina Piolo at Rica at walang masama kung totoo nga ang balita na sila na umano.
[email protected]
May suspetsa rin ang marami na may unawaan na sina Mark at Marian dahil pinagseselosan umano ni Mark ang pagiging close nito kay Dennis Trillo. Iisa kasi ang manager nina Dennis at Marian, si Popoy Caritativo kaya natural na maging close ang dalawa.
Sa katapusan ng Abril ang balik ng tropa galing New York.
Samantala, tuwang-tuwang ibinalita sa amin ni Yayo Aguila na kasama siya sa I Luv NY pero wala umano siyang New York scene. Siya ang gaganap na ina ni Mark sa nasabing drama series. Huling napanood si Yayo sa telefantasyang Sugo.
Sina Yayo at William ay may 23 taon nang nagsasama at silay biniyayaan ng apat na anak - sina Patricia (na magtu-20 sa May 25), Dana (16), Danielle (12) at si Adam (5). Lahat sila ay nag-aaral sa Miriam College.
Although aktibo pa rin si William sa kanyang showbiz career, mas pinagkakaabalahan nito ang kanyang buy-and-sell business ng mga imported cars kung saan isang Pakistani ang kanyang ka-partner.
Ang CPI ay nagsimula nung December 1991 bilang isang programming division lamang ng dating Central CATV Inc. (o SkyCable). Pero nang lumaki na ito ay nagdesisyon ang ABS-CBN top management na magbuo ng panibagong kumpanya. Dahil sa lumalaking demand and opportunities para sa cable, na-develop ang CPI at nag-acquire ng mga programa at saka ito nag-launch ng ibat ibang channels para sa Cable TV market na may magkakahiwalay na target audience.
Ang Cinema One ay ni-launched noong May 2001. Isa itong 24-hour Tagalog movie channel kung saan ipinapalabas ang mga klasiko, blockbuster at award-winning movies mula sa romance, drama, comedy, action, horror at fantasy films na produced ng mga top movie producers ng bansa.
Ang Lifestyle Network ay siyang pangunahin namang cable channel na kapupulutan ng mga pangangailangan at interes ng mga kababaihan.
Ang MYX naman ay isang 24-hour music channel para sa mga Pinoy music lovers at ang target audience nito ay teens at young adults. Dito napapanood ang mga celebrity young VJs tulad nina VJ Luis (Manzano), VJ Karel (Marquez), VJ Geoff (Eigenmann), VJ Heart (Evangelista) at VJ Nikki (Gil).
Ang Hero TV ay ang kauna-unahan at kaisa-isang all-Filipino-dubbed anime channel na ang target market naman ay ang mga bata.
Ayon kay Chinky, talo umano ng Hero TV ang mga foreign cable channels na pambata tulad ng Disney Channel, Cartoon Network at iba pa.
Ang Lifestyle Network, Cinema One, MYX at Hero TV ay pasok sa Top 10 ng Most Watched Channels sa Cable TV.
Alam ng lahat na taken na si Juday dahil may Ryan Agoncillo na ito kaya hindi na puwedeng ipagpilitan pa ni Piolo ang kanyang sarili sa kanyang ka-loveteam. Parehong libre sina Piolo at Rica at walang masama kung totoo nga ang balita na sila na umano.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am