Sino ang susunod na PPS 2 champion?

Kung nung first edition ng Pinoy Pop Superstar na kung saan ay nagwagi si Jonalyn Viray ay hindi outstanding ang mga imported contenders from Canada and the US, sa taong ito, malakas ang magiging laban ng dalawang babae na nagmula sa Canada, si Elise Estrada, magaling nang kumanta at maganda pa, dati siyang Ms. Teen Vancouver 2004 at si Rosemarie Tan, isang residente ng Los Angeles, California at nakapag-perform na sa New York musical na The Apollo.

Mabuti at dumating ang dalawa kundi’y nag-iisa lamang na babae sa grupo si Aicelle Santos, isang 3rd yr. BS Psycho student ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Sa grupo ng pito, pinaka-kilala ang dalawang naunang finalists, sina Harry Santos, ang 17 yr. old Josh Groban ng nasabing paligsahan at si Gerald Santos, ang 15 yr. old balladeer mula sa Navotas.

Ang dalawa pang finalists ay sina Irra Cenina, isang BS Accountancy stude ng De La Salle Manila at si Denver Regencia, 2nd undefeated champion ng PPS. Mula siya sa SM Davao audition.

Ang Pinoy Pop Superstar grand finalists ay magkakaro’n ng roadshows sa Cebu, Baguio, Iloilo, Davao at Manila hanggang Araneta Coliseum na kung saan ay idya-judge sila sa kanilang performance (10%). May judging din sa kanila na magaganap base sa kanilang pagkanta sa kanilang Pinoy "Pop Superstar Year 2–The Grand Contenders Album" (10%) na kung saan ay inawit nila ang kanilang competition pieces, "To Where You Are" (Harry), "Kahit Isang Saglit" (Gerald), "All The Man That I Need" (Aicelle), "If I Could" (Irra), "How Could You Mend A Broken Heart" (Denver), "Natural Woman" (Elise), "Neither One of Us" (Rosemarie) at 10% ulit sa text votes. Ang natitirang 70% ay makukuha nila sa Grand Showdown sa Araneta Coliseum sa Mayo 6.

Show comments