Hindi na natutulog si Jackie!

Ngayon nararanasan ni Jackie Rice bilang StarStruck 3 Female Ultimate Survivor ang hirap na haharapin sa pag-aartista, matapos ang Final Judgment ay wala na siyang tulog dahil kinabukasan pinapunta na sila sa taping at piktoryal.

Ayon kay Jackie, ibibili niya ng sasakyan kahit second hand lang ang bahagi ng kanyang price money, ang iba’y ilalagay sa negosyo at sa bangko.

Pumirma ito ng exclusive contract sa GMA na nagkakahalaga ng P2M.
Magbi-Birthday Sa Home For The Aged
Sa April 23 ay birthday ni Angel Locsin, 21 years old na siya. Pero sa April 21 ay pupunta ito sa Home for the Aged at aaliwin ang mga tagaroon bilang bahagi ng kanyang nakagawian tuwing sumasapit ang kanyang karawan. Malapit ang loob nito sa matatanda at gusto niyang pasayahin ang mga ito.

Nakapagpahinga rin sandali si Angel dahil, nung Holy Week ay pumunta ito sa isang resort sa Cavite kasama ang pamilya.
Gma Films, Interesado Kay Sharon
Naging certified blockbuster ang Moments of Love kaya naging inspirado ang prodyuser na si Annette Abrogar na gumawa pa ng mga de kalidad na pelikula. Isa sa plano nila ay kunin ang serbisyo ni Sharon Cuneta. Sinabi naman ng megastar na tatapusin lang niya ang proyekto nito sa Star Cinema.

"Kung matutuloy ang negosasyon ay isang malaking karangalan na makasama si Sharon sa mga gagawin naming pelikula," anang prodyuser.
Ian, Ayaw Papag-Artistahin Ang Mga Anak
Gwapo ang dalawang anak ni Ian Veneracion na sina Drakko at Didri. Seven years old na ang kanyang panganay. Mahilig si Drakko na umarte at namana niya ito sa ama gayundin ang kahusayan sa pagguhit.

Kaya kapag may TV appearance ang mag-ama ay enjoy na enjoy na ang bata. Pero kung si Ian ang masusunod, ayaw niyang pag-artistahin ang mga anak at gusto niyang mag-concentrate ang mga ito sa pag-aaral.

Kahit taghirap ngayon sa showbiz ay hindi naman nababakante sa telebisyon at pelikula ang gwapong aktor kasama ito sa indie movie na Syquijor: Mystic Island.

Hindi mahalaga kay Ian ang TF na tatanggapin lalo na sa mga independent outfit na maliliit lang ang budget.
BLIND ITEM: Ibang Klase Ang Manager Ng Sikat Na Aktres
Hindi natuloy ang gagawin sanang pelikula sa abroad ng isang sikat na aktres. Paano naman, ibang klase pala ang manager ng aktres dahil hindi sila nagkasundo ng manager ng magiging leading man nito.

"Gusto kasi niya na halos sa kabuuan ng movie ay naroon ang kanyang alagang aktres. Binibilang ang frame shots ng alaga. Kumbaga 99% ay na- run siya sa pelikula at frame by frame ang bilang nito," sey ng manager ng leading man.

Ganoon ka-demanding ang manager ng sikat na aktres.

Show comments