Si Boy 2 ba ang susunod sa yapak ni Dolphy?
April 18, 2006 | 12:00am
Marahil, kaya hindi pa nagri-retire ang hari ng komedya na si Dolphy ay dahil wala pa siyang mapagsasalinan ng korona niya. At kung siya ang masusunod, mas madali siguro ang pagsasalin nito kung sa isang kadugo niya gagawin.
Sa mga baguhang mapagpatawa na kinakitaan ng malaking potensyal na maging isang malaking komedyante, swerteng isang Quizon ang nangunguna, si Boy2, anak ng panganay ni Dolphy na si Manny Boy at apo niyang buo. Marami sa nakakapanood dito, lalo na sa dalawa niyang programang Bubble Gang ng GMA7 at Laugh To Laugh ng QTV11 ang nagsasabing mana siya sa lolo niya sa husay niyang magpatawa. Bagaman at katulad ng lolo niya ay subtle ang pagpapakawala niya ng mga jokes, hindi mapasusubalian na nakakatawa siya. Unconsciously, nagagaya niya, di lamang ang kilos ng lolo niya kundi maging ang pagsasalita nito.
Hindi naman lingid sa lahat na maliit pang bata si Boy2 ay humahanga na siya sa kanyang lolo. At kaya naman kahit anong gawin niyang pag-iisip ng sarili niyang istilo sa pagpapatawa, ang malaking impluwensya ng kanyang lolo ay hindi niya maiwasang lumabas.
Sa Laugh to Laugh ay tila isinilang ang bagong tambalang Dolphy at Panchito sa pamamagitan nila ni Ryan Yllana. Maganda ang chemistry nila na natutulungan ng kagalingan ng mga kasamahan nila sa show tulad nina Julia Clarete, Jaboom Twins, Juliana Palermo at Alfred Vargas.
Ang Laugh to Laugh ay napapanood Lunes hanggang Biyernes, 8-8:30 NG. Istorya ng mga madadatung at sosyal na taga-isang exclusive village pero, maabilidad na below middle class sa karatig na lugar.
Dahilan siguro sa summer kung kaya pumupunta ng ibat ibang lugar para mag-tape ang mga programa ng GMA7. Napanood ko nung Linggo ang Iloilo episode ng Mel & Joey. Kinabukasan, ang Lagot Ka Isusumbong Kita naman ang pumunta ng Cagayan de Oro City na kung saan nakita rin ang mga old churches nito, white sand bar at ang underground cemetery nito.
Bagaman at medyo may kamahalan ang ganitong mga remote telecast o taping, appreciated ng televiewers ang efforts ng network para mabigyan ng ibang flavor ang kanilang mga programa.
Stars ng Lagot Ka sina Joey Marquez, Richard Gomez, Raymart Santiago, Benjie Paras, Bearwin Meily, Pilita Corrales, Maureen Larrazabal, Alicia Mayer, Vangie Labalan, sa direksyon ni Boyong Baytion.
Hindi naman pala kataka-taka kung ang isang popular na banda na tulad ng Hale ay makapag-perform sa isang manipis na crowd nung sila ay nagsisimula pa lamang, sa halip na mawalan sila ng loob ay mas pinaghusay pa nila ang kanilang pagtugtog. Ngayon, lahat ang palabas nila ay SRO. Matapos lumabas ang kanilang chart topping debut single na "Broken Sonnet", sinundan pa ito ng mga hits na "The Day You Said Goodnight", "Kahit Pa" at "Kung Wala Ka Na".
Bukod sa pagtugtog, barkada pa rin sina Roll Martinez (guitars), Champ Liupio (vocals),Sheldon Gellada (bass guitar) at Omnie Saroca (drums) sa pagi-endorso ng Nescafe 3in1. "Tamang-tama ito sa amin dahil palagi kaming nagmamadali," ani Champ.
Sa mga baguhang mapagpatawa na kinakitaan ng malaking potensyal na maging isang malaking komedyante, swerteng isang Quizon ang nangunguna, si Boy2, anak ng panganay ni Dolphy na si Manny Boy at apo niyang buo. Marami sa nakakapanood dito, lalo na sa dalawa niyang programang Bubble Gang ng GMA7 at Laugh To Laugh ng QTV11 ang nagsasabing mana siya sa lolo niya sa husay niyang magpatawa. Bagaman at katulad ng lolo niya ay subtle ang pagpapakawala niya ng mga jokes, hindi mapasusubalian na nakakatawa siya. Unconsciously, nagagaya niya, di lamang ang kilos ng lolo niya kundi maging ang pagsasalita nito.
Hindi naman lingid sa lahat na maliit pang bata si Boy2 ay humahanga na siya sa kanyang lolo. At kaya naman kahit anong gawin niyang pag-iisip ng sarili niyang istilo sa pagpapatawa, ang malaking impluwensya ng kanyang lolo ay hindi niya maiwasang lumabas.
Sa Laugh to Laugh ay tila isinilang ang bagong tambalang Dolphy at Panchito sa pamamagitan nila ni Ryan Yllana. Maganda ang chemistry nila na natutulungan ng kagalingan ng mga kasamahan nila sa show tulad nina Julia Clarete, Jaboom Twins, Juliana Palermo at Alfred Vargas.
Ang Laugh to Laugh ay napapanood Lunes hanggang Biyernes, 8-8:30 NG. Istorya ng mga madadatung at sosyal na taga-isang exclusive village pero, maabilidad na below middle class sa karatig na lugar.
Bagaman at medyo may kamahalan ang ganitong mga remote telecast o taping, appreciated ng televiewers ang efforts ng network para mabigyan ng ibang flavor ang kanilang mga programa.
Stars ng Lagot Ka sina Joey Marquez, Richard Gomez, Raymart Santiago, Benjie Paras, Bearwin Meily, Pilita Corrales, Maureen Larrazabal, Alicia Mayer, Vangie Labalan, sa direksyon ni Boyong Baytion.
Bukod sa pagtugtog, barkada pa rin sina Roll Martinez (guitars), Champ Liupio (vocals),Sheldon Gellada (bass guitar) at Omnie Saroca (drums) sa pagi-endorso ng Nescafe 3in1. "Tamang-tama ito sa amin dahil palagi kaming nagmamadali," ani Champ.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended