Di talaga bagay si Jericho na Panday
April 17, 2006 | 12:00am
Iba na ang latest. Hindi lamang inire-revive ang mga kantang pinasikat ni Sharon Cuneta noong araw na naging theme song din ng kanyang mga hit movies. Pati na ang kuwento ng kanyang mga hit movies noong araw ay gagamitin na ngayon sa drama sa telebisyon. Ang masakit nga lang, hindi ang megastar ang lalabas diyan.
Dalawang bagay ang nakikita namin diyan. Una, siguro gusto nilang masabing kung ano man ang ginawang acting ni Sharon sa kanyang mga hit movies noong araw ay kaya ring gawin ng iba. Ikalawa, gusto nilang lumikha ng controversy at siguro ay maikumpara nga sa acting ni Sharon.
Ang hindi naiisip ng mga may ideya niyan ay posibleng mag-suffer by comparison.
Siguro ang akala nila kung gagawin nila iyon, susuportahan iyon ng mga fans ng megastar. Ang hindi nila alam, pinanood lang naman iyon ng mga fans dahil si Sharon nga ang bida. Alin iyong mga pelikula ni Sharon noong araw, ipagawa ninyo iyan sa mga ibang artista.
Ganyan nga rin ang naging usapan namin noong isang araw tungkol naman kay Jericho Rosales. Sabi nila, mukhang inaalat din naman daw si Jericho dahil hindi sumipa sa ratings iyong kanyang Panday, noon, kaya nga napilitan silang itigil muna yon at kahit na panay ang plug nila na ibabalik yon noong Enero ngayon pa lang naibalik.
Palagay namin mahusay namang artista si Jericho, yon nga lang, hindi siya matanggap ng publiko sa role na yon na masyadong identified kay Ronnie Poe, at nang mamatay na si Da King, patay na rin ang Panday. Marami nang gumawa ng Panday, nakaulit pa ba?
Talaga raw hindi tumitigil ang isang bading na matinee idol sa paghahanap ng isang tulay na maaaring magpakilala sa kanya sa isang baguhang male star, na mukhang natitipuhan yata ng bading na aktor. Hindi pa masyadong nabibigyan ng break ang baguhang male star, dahil hindi yata siya malakas sa kanilang network, pero hindi naman maikakaila na matindi talaga ang dating noon. May hitsura siya talaga. Kaya naman natipuhan siya ng bading na matinee idol na ngayon kung sinu-sino ang pinagtatanungan kung sino raw ang close sa baguhang male star.
Dalawang bagay ang nakikita namin diyan. Una, siguro gusto nilang masabing kung ano man ang ginawang acting ni Sharon sa kanyang mga hit movies noong araw ay kaya ring gawin ng iba. Ikalawa, gusto nilang lumikha ng controversy at siguro ay maikumpara nga sa acting ni Sharon.
Ang hindi naiisip ng mga may ideya niyan ay posibleng mag-suffer by comparison.
Siguro ang akala nila kung gagawin nila iyon, susuportahan iyon ng mga fans ng megastar. Ang hindi nila alam, pinanood lang naman iyon ng mga fans dahil si Sharon nga ang bida. Alin iyong mga pelikula ni Sharon noong araw, ipagawa ninyo iyan sa mga ibang artista.
Palagay namin mahusay namang artista si Jericho, yon nga lang, hindi siya matanggap ng publiko sa role na yon na masyadong identified kay Ronnie Poe, at nang mamatay na si Da King, patay na rin ang Panday. Marami nang gumawa ng Panday, nakaulit pa ba?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am