Matagal-tagal ding naging issue kung sino talaga ang ama ng anak ni Katherine. Dumating pa nga sa point na halos lahat ng talk show ay nandoon siya.
Pero ngayon kayang buntis na naman siya, sino naman kaya ang mga candidates para maging tatay ng anak ng starlet na nakilala dahil sa pelikulang Babae sa Breakwater na hindi na uli nasundan except sa pelikulang extra lang siya, Nasaan Ka Man na movie nina Claudine Barretto, Diether Ocampo and Jericho Rosales.
But anyway, ayon sa source na nakakita, may kasama namang guy si Katherine nang makita niya sa isang supermarket sa Cavite, pero hindi naman daw mukhang papa material ang men. "Pero nakakapit sa kanya si Katherine kasi malaki na talaga ang tiyan," say ng source.
Last Tuesday afternoon ay lumipad ang grupo nila papuntang Canada. Tomorrow, Holy Friday, sa Vancouver (The Centre in Vancouver for Performing Arts) sila. Sa April 15, nasa Edmonton (Wenspear Center for Music), April 21 sa Winnipeg in Burton Cummings Community Center and April 23 sa Toronto (Grand Baccus Banquet Hall).
Producer sa Vancouver, Edmonton and Winnipeg ang Adanac Phil and Nellie Vandt. Samantalang si Patrick Guzman naman and Backstage Production ang producer sa Toronto.
At hindi lang yan, pupunta rin ang grupo sa Alaska para sa isang live concert sa Alaska Center for the Performing Arts. Inc.
Grabe sobra silang in demand sa abroad.....
Kasama sa album ang "K-Fyne" (music video), "The Making of Ako Si M-16," "Ako Si M-16" (music video), "Buwad Suka Sili," "Lubot Sa Yawa," and "Budoy Ako".
Anyway, wala namang regret si Budoy na si Keanna Reeves ang nanalo sa Pinoy Big Brother. Natuwa nga raw siya at nire-represent nito ang kababaihan.
At any rate, available na ang "Buwad Suka Sili" under Galaxy Records.
Abala siya sa bagong season ng Now and Forever (Duyan) na magsisimulang mapanood after Holy Week.
Kontrabida na naman ang role niya rito. Nauna siyang nag-portray na kontrabida sa Daisy Siete at hindi naman siya natatakot na ma-typecast sa kontrabida role.
Feeling niya lang, mas madaling magkontrabida kesa masyadong drama.
Siya ang magpapahirap dito kay Dawn na first time niyang nakasama. Akala nga raw niya nong una, suplada ito although may assurance naman from Tonton na mabait ang actress. Kaya naman wala daw silang naging problema dahil sobrang bait pala nito.