Pelikula ang gustong gawin ni Dawn
April 13, 2006 | 12:00am
Sasamantalahin ni Ogie Alcasid ang walang trabaho this week kaya pagkatapos ng taping ng Bubble Gang noong Lunes, nag-impake na siya at kahapon ay umalis na siya papuntang Australia para makasama nang matagal-tagal ang kanyang mag-iina, si Michelle at ang mga anak nila, sina Leila at Sophia. Sa April 19 na ang balik dito ni Ogie. Pagbalik niya ay tuloy ang kanyang bar tour para i-promote ang kanyang album, ang "Lumilipad" mula sa Viva Records.
Sa second week of May, aalis na sila nina Regine Velasquez, Aiai delas Alas at Rico J. Puno para sa kanilang concert tour ng Forever After ang Valentine show nila noong February sa ibat ibang lugar sa States. Three weeks din silang magso-show roon.
Nanibago raw si Dawn Zulueta na sa araw mapapanood ang bago niyang drama series sa GMA-7, ang Duyan na 5th season na ang Now and Forever. Pero wala naman daw namang pagkakaiba, araw man o gabi ang timeslot nila dahil ganoon pa rin naman ang oras ng trabaho, na nagsisimula sa umaga at natatapos nang early morning kinabukasan. Tungkol sa totoong pagsampal sa kanya ni Emilio Garcia sa isang eksena nila, wala raw iyon, part iyon ng trabaho nila bilang mga artista. Mas mabuti na raw iyong totoo ang pagsampal kaysa dadayain pagkatapos ay uulit-ulitin dahil hindi convincing sa screen. Mas masakit daw iyon. Saka marunong daw naman si Emilio kung saan sa mukha niya patatamain ang sampal na hindi siya masyadong masasaktan.
Tinanong namin si Dawn kung ano ang masasabi niya kay Jana Roxas na madalas niyang kaeksena ang StarStruck 3 Survivor dahil gumaganap itong kapatid niya sa story. Nakita raw niyang may potential si Jana, kaya lamang ang advice niya rito, huwag bibitiw sa character na ginagampanan, minsan daw kasi, nakalilimot si Jana sa role niya, pero passable na si Jana bilang isang baguhan.
Nami-miss na rin daw ni Dawn ang paggawa ng movie, gusto raw niya kung muli siyang gagawa ng pelikula, iyong maganda talaga. Okey din sa kanya ang digital films basta maganda ang role na ibibigay sa kanya, dahil iyon daw ang in ngayon. Isa pang nami-miss ni Dawn ay ang TV hosting na tulad ng evening musical show nilang RSVP noong araw.
Nagpasalamat si Dawn na wala na silang taping ngayong araw na ito, kaya kahapon ay umuwi na sila ng anak niyang si Jacobo sa Davao, para doon magpalipas ng Holy Week, with husband Anton Lagdameo. Kasama niyang lumuwas ng Manila si Jacobo dahil monthly check-up nito sa kanyang pediatrician. Dahil sa Tagaytay ang taping nila, doon sila sa bahay niya sa Royal Pines nag-stay para hindi na siya bibiyahe from Manila to Tagaytay.
Iniyakan ni Ella Cruz, 9 years old na gumaganap na young Sabina sa Majika ang last taping day niya ng telemagika, na ngayong gabi na lamang siya huling mapapanood dahil sa Lunes, April 17, huling eksena niya ay underwater scene, sila ng Ate Angel niya. Natuwa raw naman siya sa sinabi sa kanya ng kanyang Ate Angel na "Maliit ang mundo, pero malaki ang showbiz," bago pa nga natapos ang three weeks niyang appearance sa Majika, hayun at may kapalit na iyon, ang Duyan.
[email protected]
Sa second week of May, aalis na sila nina Regine Velasquez, Aiai delas Alas at Rico J. Puno para sa kanilang concert tour ng Forever After ang Valentine show nila noong February sa ibat ibang lugar sa States. Three weeks din silang magso-show roon.
Tinanong namin si Dawn kung ano ang masasabi niya kay Jana Roxas na madalas niyang kaeksena ang StarStruck 3 Survivor dahil gumaganap itong kapatid niya sa story. Nakita raw niyang may potential si Jana, kaya lamang ang advice niya rito, huwag bibitiw sa character na ginagampanan, minsan daw kasi, nakalilimot si Jana sa role niya, pero passable na si Jana bilang isang baguhan.
Nami-miss na rin daw ni Dawn ang paggawa ng movie, gusto raw niya kung muli siyang gagawa ng pelikula, iyong maganda talaga. Okey din sa kanya ang digital films basta maganda ang role na ibibigay sa kanya, dahil iyon daw ang in ngayon. Isa pang nami-miss ni Dawn ay ang TV hosting na tulad ng evening musical show nilang RSVP noong araw.
Nagpasalamat si Dawn na wala na silang taping ngayong araw na ito, kaya kahapon ay umuwi na sila ng anak niyang si Jacobo sa Davao, para doon magpalipas ng Holy Week, with husband Anton Lagdameo. Kasama niyang lumuwas ng Manila si Jacobo dahil monthly check-up nito sa kanyang pediatrician. Dahil sa Tagaytay ang taping nila, doon sila sa bahay niya sa Royal Pines nag-stay para hindi na siya bibiyahe from Manila to Tagaytay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended