Pero bago magbakasyon sina Budaday at Piolo Pascual ay tinapos na nila ang two-weeks episode ng Sa Piling Mo para hindi raw mabitin ang viewers dahil maraming mangyayaring kakaiba.
Going back to Juday na ayaw i-reveal sa amin kung ano ang regalo niya sa boyfriend niya dahil secret daw iyon. Maging ang Mommy Carol Santos ng aktres ay hindi rin knows at nagbiro nga ito ng, "Baka house and lot," sabay tawa.
Nasambit iyon ng ina ng dalaga dahil kilala niya kung gaano ka-generous ang anak niya.
"Sa mga kaibigan nga, sobra-sobra na kung magbigay, di lalo na sa boyfriend niya. Yun ang maganda sa anak ko, sobrang magmahal kaya kapag nasaktan, sobra-sobra rin at talagang iniiyakan niya yun, lalo na kapag kaibigan niya, pamilya na kung ituring niya.
"Pero kapag nainis naman sa yo yan, hindi ka na makakabalik sa dati, kwidaw na siya sa yo," kwento ng ina ni Budaday.
Samantala, muling magti-taping si Juday ng Komiks at makakasama niya sina Sam Milby at Zanjoe Marudo sa magkaibang istorya.
Leading man niya si Zanjoe sa Super G na iti-taping na after ng Holy Week at Inday, Inday sa Balitaw with Sam Milby. Reggee Bonoan