Parehong may karanasan na ang dalawa sa ibat ibang nakarelasyon kaya nagiging maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Alam naman ng lahat kung ilang babae na ang nagdaan sa buhay ni Joey.
Sa kabilang banda, nakarelasyon ni Alicia ang isang Filipino-Lebanese ng anim na taon pero nag-live-in lang sila. Nagpakasal ito sa isang German national kung saan anim na taon silang nagsama pero nauwi sa kontrobersiya ang kanilang paghihiwalay. Isang taon nitong nakarelasyon si Edu Manzano pero nagkahiwalay din.
Ngayon ay si Joey naman ang bumihag sa puso niya ilang buwan na ang itinatakbo ng relasyon nila kung saan nagkakasundo sila sa maraming bagay. Hinog na rin sila sa maraming karanasan sa nakaraang pag-ibig kaya alam na nila kung paano gagawing matagumpay ang isang relasyon.
Hindi nga alam ni Alicia kung nagbibiro lang si Joey nang yayain siya nito ng kasal. Malay natin at baka sila na ngang dalawa ang itakda ng kapalaran, di ba?