Dennis Trillo, may pinirmahang contract sa ABS CBN
April 11, 2006 | 12:00am
Maraming nagulat nang makita si Dennis Trillo kasama ang manager niyang si Popoy Carotativo sa ABS-CBN kahapon, Lunes bandang tanghali na tila may hinihintay.
Sari-saring ispekulasyon na naman ang inisip ng mga nakakita na baka raw may palihim na negosasyon ang Kapuso star sa Kapamilya network. Hindi na ba masaya ang aktor sa GMA 7? May hiningi ba siyang hindi naibigay ng Siete?
Ang dahilan pala ay may contract signing si Dennis sa ABS-CBN para sa anime na Voltes V kung saan boses niya ang gagamitin ng bidang si Steve Armstrong na mapapanood sa Hero Channel ng Dos na magsisimula na sa May, 2006.
Nakakaloka pa dahil pawang mga Kapamilya stars ang kasama ni Dennis sa contract signing tulad nina Sandara Park, Joseph Bitangcol, Nikki Valdez, Bob dela Cruz ng PBB, Ricci Chan ng Magandang Umaga Pilipinas, Jett Pangan at iba pa.
Comment ng taga-Dos, "Bongga, si Dennis ang pinaka-bida sa Voltes V, at hindi siya dumaan sa audition, ang mga taga-Dos, nag-audition."
At nalaman naman namin sa taga-GMA 7 na hindi naman conflict ang pagpirma ng aktor ng kontrata sa Hero Channel ng Dos dahil hindi naman daw ito katapat ng Majika at boses lang naman daw ang gagamitin.
Di kaya magkaroon pa rin ng conflict dahil kung boses ni Dennis ang gagamitin, kailangan niyang mag-promote ng Voltes V sa ABS-CBN, papayagan kaya siya ng GMA 7 management?
Sa huling pag-uusap namin ni Sandara Park ay aminado siyang kabado rin siya sa nalalapit na showing ng D Lucky Ones kasi bakasyon ang mga tao, pero umaasa siyang kikita ito dahil very funny daw ang movie nila at magagaling ang mga komedyanang sina Pokwang at Eugene Domingo.
At nabanggit ng Koreanang aktres na ka-join nga siya sa Voltes V at gagamitin ang boses niya at ang say niya, "Nagtataka nga po ako bakit napili nila ako, e, bulul-bulol ako during the audition, hindi rin maganda ang ginawa ko.
"Siguro natuwa sila sa akin kasi puro bata ang fans ko, 7 years old below," kaswal na paliwanag ni Sandara na hindi mo mawari kung seryoso sa sinasabi o nagpapatawa.
Pero sadyang malakas ang sense of humor ni Sandara dahil seryoso ang mukha niya, pero nakakatawa ang mga sinasabi, sabi nga ng mga taga-Star Cinema, born comedian daw ang ka-loveteam ni Joseph Bitangcol. REGGEE BONOAN
Sari-saring ispekulasyon na naman ang inisip ng mga nakakita na baka raw may palihim na negosasyon ang Kapuso star sa Kapamilya network. Hindi na ba masaya ang aktor sa GMA 7? May hiningi ba siyang hindi naibigay ng Siete?
Ang dahilan pala ay may contract signing si Dennis sa ABS-CBN para sa anime na Voltes V kung saan boses niya ang gagamitin ng bidang si Steve Armstrong na mapapanood sa Hero Channel ng Dos na magsisimula na sa May, 2006.
Nakakaloka pa dahil pawang mga Kapamilya stars ang kasama ni Dennis sa contract signing tulad nina Sandara Park, Joseph Bitangcol, Nikki Valdez, Bob dela Cruz ng PBB, Ricci Chan ng Magandang Umaga Pilipinas, Jett Pangan at iba pa.
Comment ng taga-Dos, "Bongga, si Dennis ang pinaka-bida sa Voltes V, at hindi siya dumaan sa audition, ang mga taga-Dos, nag-audition."
At nalaman naman namin sa taga-GMA 7 na hindi naman conflict ang pagpirma ng aktor ng kontrata sa Hero Channel ng Dos dahil hindi naman daw ito katapat ng Majika at boses lang naman daw ang gagamitin.
Di kaya magkaroon pa rin ng conflict dahil kung boses ni Dennis ang gagamitin, kailangan niyang mag-promote ng Voltes V sa ABS-CBN, papayagan kaya siya ng GMA 7 management?
At nabanggit ng Koreanang aktres na ka-join nga siya sa Voltes V at gagamitin ang boses niya at ang say niya, "Nagtataka nga po ako bakit napili nila ako, e, bulul-bulol ako during the audition, hindi rin maganda ang ginawa ko.
"Siguro natuwa sila sa akin kasi puro bata ang fans ko, 7 years old below," kaswal na paliwanag ni Sandara na hindi mo mawari kung seryoso sa sinasabi o nagpapatawa.
Pero sadyang malakas ang sense of humor ni Sandara dahil seryoso ang mukha niya, pero nakakatawa ang mga sinasabi, sabi nga ng mga taga-Star Cinema, born comedian daw ang ka-loveteam ni Joseph Bitangcol. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am