3 ang tinalo ni Pauleen para sa isang komersyal
April 11, 2006 | 12:00am
Tama ang sabi ni Pauleen Luna, blessed siya. Bukod sa marami siyang assignments sa TV, kabi-kabila rin ang tanggap niya ng endorsements na ang pinaka-latest ay ang brand ng isang clothing apparel na tinatawag na Callia.
Anim na taon nang nasa business ang Callia pero, ngayon lamang naisipan ng may-ari nito na si Cristina Tongohon na kumuha ng isang endorser at image model.
Apat ang pinagpilian bago nakuha ng Callia si Pauleen Luna sina Angelica Panganiban, Karylle, Isabel Oli at si Pauleen. Hindi naman nahirapang pumili si Ms. Cristina dahil ang disenyo ng Callia ay para sa tipo ni Pauleen na simple pero sexy. At mura lamang ang damit ng Callia, mayrong nagkakahalaga ng P150. Ang pinakamahal na damit dito ay P750 lamang.
Tuwang-tuwa nga si Pauleen dahil maganda ang ginagamit na tela dito, hindi bumabakat ang katawan ng nagsusuot, kahit medyo may baby fats pa, tulad ni Pauleen.
Bubuksan sa Roxas Boulevard sa Abril 17 ang Dinosaur Island Project, isang dinosaur exhibit na kung saan ay makikita ang isang tunay na dinosaur fossil.
Ang Dino Island Project ay isang entertainment experience mula sa Korea na kung saan ay makikita ang mga totoong skeleton ng mga dinosaur, mga fossil at mga dinosaur model na gumagalaw na akala mo ay buhay. Pinagagalaw sila sa pamamagitan ng modernong technology. Makikitang gumagalaw pati ang kanilang mga mata, at makikita ring humihinga sila.
Sa loob ng exhibition area, ang mga panauhin ay dadaan sa isang tila time machine, upang makapasok sa isang naiibang mundo, ang triassic period, kung saan bubulaga sa kanila ang isang sumasabog na bulkan at ang isang napaka-laking waterfalls, ganon din ang mga dinosaurs na binigyang buhay ng robotics.
Ang exhibit na ito ay dinarayo sa Korea lalo na ng mga turista at maging ng mga mag-aaral na nagpapaka-dalubhasa sa syensya.
Ang proyekto ay dinala sa Pilipinas ng Fun Fair Ventures, isa sa mga nangungunang kumpanya ng entertainment at amusement parks sa ating bansa, ng One4U Philippines at ng Human Tech Corporation ng Korea. Ito ay nagkakahalaga ng $6M at magiging bahagi ng Philippine Science Exhibit Center na itatayo sa Roxas Blvd.
Ang kabuuan ng exhibit ay bubuksan sa publiko sa Agosto ng taong ito. Isa itong magandang pagkakataon para sa mga mahihilig sa dinosaur na makita sila na parang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 17, 2024 - 12:00am