Starborne ng Center for Pop

Naglunsad ng kauna-unahan at pinakamalaking training schools sa pop singing ng kanilang summer course sa voice at stage performance.

Pinamagatang Starborne ito ay tinatampukan ng practicum shows sa music lounge, recital concert, mall shows, voice recording, sing and move lessons, basic spiels development at iba pang techniques na ginagamit sa ngayon ng mga singing stars.

Ang opisyal na training schools para sa future singing stars, na ang Center for Pops ay tinuklas at pinamumunuan ng CEO na si G. Butch Albaracin. Si Tysha May Liong ang area manager sa north branches at si Jeff Medes naman ang area manager sa south brances.

Ang north branches ay matatagpuan sa Cubao, Q. C.; Don Alejandro Roces, QC; Visayas Avenue QC; Lagro/Novaliches, QC; Marikina City; Valenzuela City; Malolos City; Bulacan; Masinag, Antipolo City at North EDSA. Para sa south branches naman ay nasa Makati City; Parañaque City; Las Piñas City; San Pedro at Calamba City, Laguna; Dasma Cavite; Batangas City; Pasig City; Calapan, Mindoro at Cebu City.

Doon sa mga interesado, makipag-ugnayan sa Center for Pop Music Philippines (Punong tanggapan), 73 Ermin Garcia St., Cubao QC telepono 727-5293; 721-0714. — Bing Adorna

Show comments