Zanjoe, didistansya na kay Bianca!
April 6, 2006 | 12:00am
Hindi namin knows kung anu-ano ang shows ng Starstruck Avenger batch 1 na si Christian Esteban, pero balita namin ay tila hindi na ni-renew ang kontrata niya sa mga programang ito.
Kwento rin sa amin na pati sa GMA Artist Center ay tila binitiwan na rin ang pagma-manage ng career niya dahil nagkaka-problema raw sila sa mommy niya na co-manager ng Artist Center.
"Mahirap ka-deal yung mommy ni Christian, maraming demands, tapos kung gusto nilang magbakasyon, kailangan payagan, e, paano naman yung mga shows ni Christian?" say sa amin ng taga-GMA 7.
Kinunan naman namin ng statement ang taga-GMA Artist Center tungkol sa kaso ni Christian at, "We are still handling Christians career, although lapsed na ang contract niya and we heard na hes planning naman daw to renew at okey pa naman siya sa amin. Regarding the mom, siyempre magulang yun at naiintindihan namin siya kung nakikialam siya sa career ng anak, maybe she knows what is best for her son, na minsan may mga bagay na hindi napagkakasunduan."
Seryosong sinabi ni Zanjoe Marudo sa aming one-on-one interview na hiyang-hiya siya sa boyfriend ni Bianca Gonzales na si Direk Lino Cayetano, hindi niya alam na nakasakit na siya sa pagiging sweet nila ni Bianca.
"Hindi ko sinasadya, hindi ko alam na ganun pala kalaki ang epekto sa labas, akala ko wala lang. Pero aware ako na may boyfriend si Bianca at kinontrol ko naman ang sarili ko na mas lumalim pa ang nararamdaman ko for her kasi nga alam kong may naiwan siya sa labas ng Bahay ni Kuya.
"If ever na makita ko si Direk Lino, hihingi ako ng dispensa sa nagawa ko. Naiintindihan ko ang naramdaman niya dahil lalaki rin ako. Hindi ko talaga gustong magkasira sila kaya nga sabi ko kay Bianca, didistansiya ako para hindi siya maguluhan," madamdaming paliwanag ni Zanjoe.
Hindi pala alam ng Bench model na pati pala pagto-toothbrush nila ng sabay ni Bianca ay ipinapakita sa national television, akala raw niya ay ie-edit yun, "Akala ko hindi kasama yun, nakakahiya tuloy," sambit pa.
Bagamat nagkapalitan na sila ng cellphone number ni Bianca ay hindi raw niya ito tatawagan o ite-text para hindi maguluhan si Bianca.
"Hihintayin ko ang text niya, sabi ko naman, kung okey na, saka na lang kami magtawagan, yung okey na sila, hindi yung break na sila. Ayoko namang humantong sila sa ganun," pagtatapat pa.
At ngayong nasa labas na siya ng PBB house ay gusto niyang maging artista, "Ito naman talaga ang plano ko, pasukin ang pag-aartista para makaipon at makatulong sa pamilya ko at pag may time, gusto kong tapusin ang studies ko, kasi vocational course lang ang natapos ko, Information Technology sa Mapua."
Kaya nung pinasok na raw niya ang modeling kay Ben Chan two years ago ay naka-plano na talaga ang pagpasok niya sa showbiz at si Richard Gomez ang gusto niyang sundan ng yapak.
At mas lalo pa raw tumibay ang plano niya nung mapasama siya sa Big Four ng PBBCE, "Expected ko nga, two weeks lang, mae-evict na ako, nagulat ako, tumagal ako, pero hindi ako umasang mananalo, pero nung napasama ako sa apat, umasa na akong mananalo ako, pero mas deserving si Keanna (Reeves) at okey lang yun."
Samantala, guwapo at malakas pala ang appeal ni Zanjoe Marudo sa malapitan at mas lalo pa siyang gumugwapo kapag tinititigan ng matagal at sorry sa fans ni Sam Milby, dahil bluntly namin masasabing mas guwapo ang ka-loveteam ni Bianca Gonzales.
Nagti-taping na si Chaka Doll para sa pagbabalik ng Kakabo-Kabo sa April 23, Linggo at usap-usapan among GMA 7 staff kung anong oras ito ieere dahil puno na sila sa primetime.
Hinuhulaang magiging back-to-back uli sila ng Mahiwagang Baul at iuurong ang airing ng Jologs na parang ispageting pababa nang pababa ang ratings na nakukuha. REGGEE BONOAN
Kwento rin sa amin na pati sa GMA Artist Center ay tila binitiwan na rin ang pagma-manage ng career niya dahil nagkaka-problema raw sila sa mommy niya na co-manager ng Artist Center.
"Mahirap ka-deal yung mommy ni Christian, maraming demands, tapos kung gusto nilang magbakasyon, kailangan payagan, e, paano naman yung mga shows ni Christian?" say sa amin ng taga-GMA 7.
Kinunan naman namin ng statement ang taga-GMA Artist Center tungkol sa kaso ni Christian at, "We are still handling Christians career, although lapsed na ang contract niya and we heard na hes planning naman daw to renew at okey pa naman siya sa amin. Regarding the mom, siyempre magulang yun at naiintindihan namin siya kung nakikialam siya sa career ng anak, maybe she knows what is best for her son, na minsan may mga bagay na hindi napagkakasunduan."
"Hindi ko sinasadya, hindi ko alam na ganun pala kalaki ang epekto sa labas, akala ko wala lang. Pero aware ako na may boyfriend si Bianca at kinontrol ko naman ang sarili ko na mas lumalim pa ang nararamdaman ko for her kasi nga alam kong may naiwan siya sa labas ng Bahay ni Kuya.
"If ever na makita ko si Direk Lino, hihingi ako ng dispensa sa nagawa ko. Naiintindihan ko ang naramdaman niya dahil lalaki rin ako. Hindi ko talaga gustong magkasira sila kaya nga sabi ko kay Bianca, didistansiya ako para hindi siya maguluhan," madamdaming paliwanag ni Zanjoe.
Hindi pala alam ng Bench model na pati pala pagto-toothbrush nila ng sabay ni Bianca ay ipinapakita sa national television, akala raw niya ay ie-edit yun, "Akala ko hindi kasama yun, nakakahiya tuloy," sambit pa.
Bagamat nagkapalitan na sila ng cellphone number ni Bianca ay hindi raw niya ito tatawagan o ite-text para hindi maguluhan si Bianca.
"Hihintayin ko ang text niya, sabi ko naman, kung okey na, saka na lang kami magtawagan, yung okey na sila, hindi yung break na sila. Ayoko namang humantong sila sa ganun," pagtatapat pa.
At ngayong nasa labas na siya ng PBB house ay gusto niyang maging artista, "Ito naman talaga ang plano ko, pasukin ang pag-aartista para makaipon at makatulong sa pamilya ko at pag may time, gusto kong tapusin ang studies ko, kasi vocational course lang ang natapos ko, Information Technology sa Mapua."
Kaya nung pinasok na raw niya ang modeling kay Ben Chan two years ago ay naka-plano na talaga ang pagpasok niya sa showbiz at si Richard Gomez ang gusto niyang sundan ng yapak.
At mas lalo pa raw tumibay ang plano niya nung mapasama siya sa Big Four ng PBBCE, "Expected ko nga, two weeks lang, mae-evict na ako, nagulat ako, tumagal ako, pero hindi ako umasang mananalo, pero nung napasama ako sa apat, umasa na akong mananalo ako, pero mas deserving si Keanna (Reeves) at okey lang yun."
Samantala, guwapo at malakas pala ang appeal ni Zanjoe Marudo sa malapitan at mas lalo pa siyang gumugwapo kapag tinititigan ng matagal at sorry sa fans ni Sam Milby, dahil bluntly namin masasabing mas guwapo ang ka-loveteam ni Bianca Gonzales.
Hinuhulaang magiging back-to-back uli sila ng Mahiwagang Baul at iuurong ang airing ng Jologs na parang ispageting pababa nang pababa ang ratings na nakukuha. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended