Marami namang agree na manalo siya, including me dahil kailangan niya talaga ng money more than John Prats, Bianca Gonzales and Zanjoe Marudo. Pero sana makuntento na lang siya sa pagpapatawa at pagiging big winner ng PBBCE dahil baka madali siyang malimutan.
I mean, hindi ba mali nga yung iba niyang sinasabi? Like yung sinabi niya sa The Buzz last Sunday, say niya: comfused instead na confused.
I dont have nothing against Keanna. In fact, natatawa ako sa kanya. Kaya lang baka naman maging pabigla-bigla siya. Kawawa naman siya in the end.
Sa Michael Bolton concert daw, halos hindi pa nangalahati ang 13,000 seater na coliseum. Kaya nga raw, almost an hour lang tumagal ang concert ni Bolton na nagpasikat sa mga kantang hindi ko maalala ang titles.
Ganundin daw ang concert ni Rex Smith na kasama pang nag-concert ang anak. Dahil nga raw walang masyadong tao at kakalug-kalog ang Araneta, hindi rin gaanong nagtagal ang concert.
Si Rex Smith naman ang nagpasikat sa kantang "Simply Jessie" among others.
Definitely, mas marami pang tao ang repeat concert ni Megastar Sharon Cuneta sa nasabi ring venue last Friday night. Though, hindi jampacked ang Araneta, pero almost 70% naman itong puno.
Sunud-sunod kasi ang concert nina Michael, Sharon and Rex kaya siguro watak-watak ang mga nanood. Eh halos, iisang market ang target nila. Mga 80-90s songs ang forte nila. Mga young professionals na siguro ay isang concert lang ang piniling panoorin kaya nagkaganoon.
But anyway, darating sa bansa si Paul Anka and another sikat na foreign singer. Pero ang target market naman nila, mga madadatung talaga na willing gumastos marinig lang ang kanta ng dalawang nabanggit na foreign artists kaya baka parehong kumita.
"Pansinin nyo siya."
E mail yan ni Riza Leonzo na regular reader ng Baby Talk.
Matagal nang naba-blind item ang tungkol dito. Hindi rin naman tinatago ni Albert na nagpapa-Botox siya at parang nabasa ko na endorser siya ng Thermage ni Vicki Belo.
Ay salamat at may nakapansin din sa mga artista ngayon. Tama ang kapatid mo Ms. Salve. Sa totoo lang, karamihan sa mga artista ngayon ay pa-cute at "oa" (over acting). Hindi sila magaling umarte.
To name a few sa mga good actresses and actors ay sina Judy Ann Santos, Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Angelica Pangilinan - yong ibang newcomers are wala na. Pa-cute na lang sila. Also, sa teleseryeng Gulong ng Palad, kasi, maiinis ka sa ugali ng mga Pilipino which was portrayed well sa show na ito. Para bang ipinapakita ang tunay na kulay ng Pilipino - nababayaran at mapanira ng kapwa. Thank you sa pagbasa sa message ko. Keep up the good work. I enjoy reading your column.
Josie Gapuz
JGapuz@cox.net