Sa Davao na naka-base si Dawn kasama ang kanyang asawang si Anton Lagdameo at first baby nila.
Kung naging rebelasyon ang ginawang pag-amin ni Rustom na siyay gay, mas nakaka-shock na mga rebelasyon ang inilahad ni Pilar tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang mga karanasan mula sa kanyang pagkabata. Maraming lihim si Pilar sa kanyang buhay na kanyang buong tapang na ibinunyag.
Balik-Cebu nga si Pilar kapiling ang kanyang asawang pastor na nagngangalang Bernie.
Ang Bahay Mo Ba To ay napapanood tuwing Martes ng gabi sa GMA-7. Itoy tinatampukan din nina Tessie Tomas, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Sherilyn Reyes, Michael Pekto Nacua, Keempe de Leon, Sunshine Dizon, Dino Guevarra at iba pa mula sa direksiyon ni Al Quinn.
Ayaw pa ring ihayag kung sino ang makakapareha ni Richard sa bago niyang TV series pero may ilang pangalan na ring pinagpipilian.
Kung ang mommy lamang ni Richard na si Annabelle Rama ang masusunod, gusto nitong maging kapareha ng kanyang binata ang ex-girlfriend nitong si Anne Curtis pero nasa kabila na itong istasyon.
Pero kung gugustuhin ng GMA ay posible pa rin ito dahil si Veronique del Rosario ng Viva naman ang manager ni Anne at hindi ang ABS-CBN at wala ring bagong programang pinagkakaabalahan ang dalaga.
Although sinabi ni Ara na wala umano silang commitment sa ngayon ni Polo, itinuturing niya ang binata na siyang pinakamalapit sa kanyang puso ngayon.
Kung may Polo si Ara, may Mark Lapid naman ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes.
Sa pagbabalik ni Ara ay ipagpapatuloy niya ang promo ng kanyang pinakabagong album, ang "araminamovingon" sa ilalim ng BMG Records.