Pwede nang mag-pulitika si Pacquiao!

Marami na namang mga kwelang commercials na madalas mapanood sa TV. Buti na lang, lamang ang nakaka-aliw na anunsyo kaysa mga nakakainis na ginagawang tanga ang buying public.

Ang personal favorite ko this season ay ang Palmolive conditioner na ang main model/endorser ay si Ricky Reyes. Natural na natural kasi ang dating ng pamosong beauty expert. Walang pretensions tulad ng isa pang madalas i-plug na shampoo commercial.

Tuwang-tuwa ako sa ending catch line ni Ricky na "O siya shine na". Simple lang pero lahat ng mga commercial na kauri nito, talagang kinabog.
* * *
Ang nakakakilabot, meron palang isang shampoo na nagpapabata ayon sa isang commercial.

Kung totoo ito, paano na sina Dr. Manny and Pie Calayan, Si Vicky Belo at iba pang mahusay magretoke ng mga mukha at katawan?

Baka bumili at gumamit na lang ng shampoo ang mga tao at hindi na magpa-retouch ng mga faces and bodies!

Teka nga muna, sino ba talaga ang mga commercial endorser ang madalas magpa-retouch?
* * *
Isa pang kwelang commercial ang texting plug ni Manny Pacquiao. Kahit lumalaban ng boksing, panay ang text ng champion, kaya hindi niya magamit ang kanyang left hand dahil may hawak na cellphone.

Well partida pa ito sa kanyang kalaban. Nagte-text siya while the fight is going on.

Hanggang sa itaas ang kanyang kamay sa panalo. Tuloy pa rin ang texting ni Pacquiao. Pang-masa ang anunsyo at tiyak na hihigit pa sa P200 million ang kikitain ng Smart sa isang araw.
* * *


Pati ang tuna, pinatulan na rin ni Manny Pacquiao. Endorser na rin siya ng isang brand ng tuna. Aba, tyak na milyones din ang talent fee niya dito.

Ang isang world boxing champion, bago humawak ng isang produkto at mapapanood ng buong bansa, very expensive ang budget!
* * *
Dahil sa madalas ngang Makita sa TV si Manny Pacquiao, pwedeng sa susunod na eleksyon ay kumandidato na siyang senador. Sobra ang kanyang popularidad. Lahat ng mga Pinoy, bukambibig ang kanyang pangalan.

Ma-translate kaya ito sa mga boto, kung sakaling pasukin niya ang pulitika?

Show comments