^

PSN Showbiz

Sugar, nakikipag-halikan na kay Bong Revilla!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mabilis ang paggawa ng pangalan ni Sugar Mercado ng Eat Bulaga kaya mabenta na ito sa mga TV guesting ngayon gaya ng Hokus Pokus. Naka-take two sa kissing scene sina Sugar at Bong Revilla. Hiyang-hiya si Sugar at humingi ng despensa sa actor-senador. First kiss daw ng dancer si Bong at di pa nadadampian ang labi nito kaya natensyon sa eksena.

Medyo nainis ang aktor nang tawagin itong "tito" ni Sugar at sinabihan siyang bata pa naman siya.

Sa kabilang banda nilinaw ni Bong na hindi sila interesado sa balitang uupong chairman ng MTRCB ang kapatid na si Marlon Bautista. Magkakaroon ng conflict of interest dahil producer ito ayon pa sa action star.
Top, Umalis Ng Freestyle Dahil Kay Jinky!
Ang galing umawit ni Top Suzara at dapat lang na magsolo na siya dahil di na siya masaya sa kanyang dating grupong Freestyle kung saan siya ang vocalist. Kasama na siya sa ASAP at mayroon nang solo album sa Universal Records titled "Carry On". Ito ba ang dahilan kung bakit umalis na siya sa Freestyle?

"Hindi! Nang umalis ako noon ay di ko alam kung saan ako pupunta ng ilang buwan. Nakadepende lang ako sa aking naipon. Hindi ako aalis nang walang valid reason. Si Jinky Vidal na female vocalist at kasal sa aking pinsang buo na si Tat Suzara ang dahilan kung bakit ako umalis sa kanila ng walang paalam. I didn’t know Jinky has something against me that started in Davao. Hindi ko alam kung ano talaga ang problema.

"I tried to reach to them pero wala ring nangyari. Feeling ko na nagkakabastusan na kaya pinasya kong umalis na sa grupo. Sila naman ang nagsimula sa pagbuo nito," aniya.

Nagpasalamat si Top dahil dumating ang offer ng Universal nang time na wala siyang ginagawa. Ang carrier single na "Sabihin Mo Na" ay may music video. Hindi lang magaling na singer si Top kundi isa ring mahusay na composer.
Rufa Mae, Di Tuloy Sa Tate
Ngayon sanang April ang alis ni Rufa Mae Quinto patungong Amerika kung saan magsisilbi itong bakasyon at pagkakataon na rin para magkita sila ni Rudy Hatfield.

Prioridad sa seksing aktres ang trabaho kaya di na aalis. May dalawa itong pelikulang gagawin sa Regal Entertainment titled Zsazsa Zarurna at sa OctoArts naman ang Multo sa Condo. Sisimulan na ang syuting nito kaya gustuhin man niyang magkita sila ng nobyo ay di rin pupwede.

Isa pa, may gagawing concert sa May 27 si Rufa Mae sa Aliw Theater.
BLIND ITEM: Lalaki Na Ngayon Ang Actress
Lalaking-lalaki na ngayon ang dating ng isang dramatic actress. Lalaki na ito kung kumilos ngayon kaya lang halata pa rin itong babae dahil malusog ang kanyang dibdib.

Nang magbalikbayan ito ay nagkita sila ng dating manliligaw at nagtaka sa kanyang ayos at kilos. Tatanungin sana siya ng aktor pero siya na ang nagpauna "Huwag ka na lang magtanong," sey ng tomboy na aktres.

Kaapelyedo nito ang dating sikat na beteranang aktres na naninirahan na ngayon sa Amerika.

vuukle comment

ALIW THEATER

AMERIKA

BONG REVILLA

CARRY ON

DI TULOY SA TATE

EAT BULAGA

HOKUS POKUS

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with