Gabb Drilon, ang bagong pag-ibig ni Maui

Bagaman at hindi itinatanggi ng kabataang aktor na si Gabb Drilon na madalas silang lumalabas ni Maui Taylor ngayon, hindi pa raw sila, di pa sila mag-on.

"We’re in a getting to know each other better stage, we go out with friends. Yes, she came to my birthday party. Pero, it’s not true that we made an announcement tungkol sa amin. We don’t want to rush into things, dahan-dahan lang muna. I know what she’s been through. She knows that I’m here for her. Kung dumating dun sa sinasabi nila, okay lang. All I can say now is that we’re getting close."

Nang tanungin siya kung ano ang ikinagugusto niya kay Maui, sinabi niyang "She’s down to earth, sweet and charming."

Isang Kapamilya si Gabb na itinuturing na ang biggest break niya ay ang pagkakasama niya sa Marina. Isa rin siya sa mapalad na nakabilang sa mga loveteams sa reality show na QPids. Kung napapanood siya sa GMA, ito ay may basbas ng ABS CBN, habang wala pa naman siyang masyadong assignments ngayon. Dito sila nagkakilala ni Maui, sa taping ng Magpakailanman na kung saan ay itinampok ang life story nito. Ginampanan niya ang role ng bf nito sa high school.
* * *
Unang napansin si Jaja Bolivar nang bigyang buhay niya ang karakter ni Kikiam, inspired by the brilliant and feisty Sen. Miriam Defensor Santiago, during her student days at UP bilang kasapi ng UP SAMASKOM (Samahan ng Mag-aaral sa Komunikasyon). Ito ang organisasyon na nagpasimula ng live comedy revue Live A.I.D.S. o Ang Istoryang Dinebelop ng SAMASKOM.

Naka-graduate na si Jaja, cum laude sa Broadcast Communications. Ang karakter ni Kikiam ay naging popular kung kaya nagkaro’n siya ng komersyal dahilan dito.

Mainstay na si Jaja ngayon ng programang Wazzup Wazzup, may sarili siyang segment dito, ang Wander K. Lumilibot siya ng Maynila para maghanap ng mga police stories. Co-host din siya sa Y Speak at bagong addition sa lumalaking pamilya ng Backroom.
* * *
Matatagpuan sa ikatlong palapag ng kabubukas na Virra Mall (V-Mall na ngayon) ang Great Eats Food Court na kung saan napakaraming kainan ang matatagpuan. Tulad ng Binalot na ang pagkain ay nakabalot sa dahon ng saging; Inihaw Express; Fatboys na may mga assorted pizzas at pastas; Okuya, nagluluto ng mga Japanese cuisine; Steakbreak & Sizzling Seafoods; Jollibee & Goto King at Chin’s Express.

Mayro’n ding mga pagkain sa carts: Plato Wraps, Jungle Freeze, Juancho Nachos, Fruit Magic, Henlin, Coffee Experience, Uncle Sonny’s Shawarma, Bugnaw, Purefoods Waffle Time, Potato Corner, Crazy Choco at Pasteleria Ilustrado. Kung beer drinker ka, nariyan ang The Bar na mayro’ng 5 plus 1 San Mig Lite promo.

Bukas ito Linggo hanggang Huwebes 10NU-830NG, Biyernes hanggang Sabado, 10NU-930NG. May mga activities dito tulad ng weekend acoustic nights at cooking demo ng Nestle.

Show comments